Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 42

“Tulungan Yaong Mahihina”

“Tulungan Yaong Mahihina”

(Gawa 20:35)

1. Kayraming kahinaan

Ang taglay natin.

Ngunit si Jehovang Diyos,

Maunawain.

Siya ay maawain,

Laging maibigin.

Tulad niya umibig din,

Dukha’y kupkupin.

2. ‘Ako ma’y mahina rin,’

Sabi ni Pablo.

Tinubos tayo upang

Buhay matamo.

Sila’y kay Jehova,

Alalayan sila.

Pagka may dumaraing,

Dumamay tayo.

3. Mahina’y huwag hatulan,

Ating tandaan

Mapalalakas sila

Ng kabaitan.

Ating sikapin din,

Sila’y pasiglahin;

Sila’y ating tulungan

At alalayan.