Maging Kaibigan
I-download:
1. Kung minsan, parang mahirap
Maging kaibigan ang iba.
Makakahanap ka ng ’yong kaibigan
Kung magkukusa ka lang.
(KORO)
Kung gusto mo ng kaibigan,
Maging kaibigan ka.
Mahalin ang iba;
Tulungan mo sila.
Bibigyan ka ng Diyos
Ng tunay na kaibigan.
2. Tingnan mo, mayro’ng kaibigan
Na tunay ang pagmamahal.
Naglilingkod sa ’ting Diyos na Jehova,
Kaibiganin mo sila.
(KORO)
Kung gusto mo ng kaibigan,
Maging kaibigan ka.
Mahalin ang iba;
Tulungan mo sila.
Bibigyan ka ng Diyos
Ng tunay na kaibigan.