Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Huminto Sandali

Huminto Sandali

I-download:

  1. 1. Habang minamasdan—mabituing kalangitan,

    Ang mga problemang nararanasan ay parang gumagaan.

    Kaya dapat na unahin ang mas mahalaga.

    Oras na ’nilaan para sa ’ting Ama—pasalamatan Siya.

    (KORO)

    Huminto sandali at magbulay-bulay.

    Pagmasdan ang paligid natin.

    Kalimutan muna ang problema at laging

    Pagpapala ang isipin.

  2. 2. Pagmasdan ang buwan sa langit at ang hangin ay damhin.

    Ramdam ang pag-ibig at ang malasakit ng lumalang sa atin.

    Kaya hamon ma’y dumami, hindi mangangamba.

    Tayo ay masaya ’pagkat nadarama—mahigpit na yakap Niya.

    (KORO)

    Huminto sandali at magbulay-bulay.

    Pagmasdan ang paligid natin.

    Kalimutan muna ang problema at laging

    Pagpapala ang isipin.

    Pagpapala—ang iisipin.

    (KORO)

    Huminto sandali at magbulay-bulay.

    Pagmasdan ang paligid natin.

    Kalimutan muna ang problema at laging

    Pagpapala ang isipin.

    (PANGWAKAS)

    Ang pagpapala ni Jehova ang iisipin.

    Pagmasdan natin ang paligid.

    Laging pagpapala ang isipin.