Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ibigay kay Jehova ang Kaluwalhatian

Ibigay kay Jehova ang Kaluwalhatian

(Awit 96:8)

I-download:

  1. 1. Diyos na Jehova, ikaw lang

    Ang Kataas-taasan.

    Ang ’yong pag-ibig sa akin

    Ay ’di ko mapapantayan.

    Sa langit ay nakikita

    Ang kadakilaan mo.

    Sa harap mo, O Jehova,

    Ako’y ’di makakatayo.

    (KORO)

    O aking Diyos, dinggin ang awit ko

    Na pumupuri sa ’yo.

    Ikaw ang Diyos; ika‘y walang hanggan.

    Ikaw ang nararapat

    Na luwalhatiin ko.

  2. 2. Galing sa ’yo, O Jehova,

    Ang buhay ko’t hininga.

    Ihahayag nang b’ong puso,

    Kabutihan mo at gawa.

    Karangalan ko, Jehova,

    Na maglingkod sa iyo.

    Habang ako ay may buhay,

    Magpapagabay sa iyo.

    (KORO)

    O aking Diyos, dinggin ang awit ko

    Na pumupuri sa ’yo.

    Ikaw ang Diyos; ika‘y walang hanggan.

    Ikaw ang nararapat

    Na luwalhatiin ko.

  3. 3. Sa lahat ng nilikha mo,

    Napapahanga ako.

    Nag-uumapaw ang puso

    Sa pasasalamat sa ’yo.

    Karilagan, karunungan

    Ang aking namamasdan.

    Sana ika’y l’walhatiin

    Ngayon at magpakailanman.

    (KORO)

    O aking Diyos, dinggin ang awit ko

    Na pumupuri sa ’yo.

    Ikaw ang Diyos; ika‘y walang hanggan.

    Ikaw ang nararapat

    Na luwalhatiin ko.

(Tingnan din ang Awit 96:1-10; 148:3, 7.)