Humahanga sa Iyong mga Gawa
I-download:
1. Ang ’yong Kaharian, kay rami nang nagawa,
Inilaan ’yong Salita, marami pang iba.
Ang ’yong tapat na alipin, liwanag ang laan.
Nagsugo ng mga pastol sa ’ki’y nagmamahal.
Ang mga kombensiyon, nakapagpapatibay.
At lagi kong nasasabi: “Wala ’tong kapantay!”
Sa mga pulong ay dama pag-ibig mong tunay.
Sa pagsulong sa gawain, ako’y sinasanay.
(KORO)
Kami’y humahanga
Sa lahat ng iyong gawa.
Sa ’yong Kaharian
May pananampalataya ’pagkat kay buti mo.
Nakatanaw sa pagpapala ng Kaharian.
2. Karangalan nami’y gumawang kasama ka,
Sa gawaing ministeryo, nagpapahalaga.
Mula sa ’yo’y unawa at isip na payapa.
Kami ay tinuturuan, buhay na kay saya.
Mga awiting umaantig sa puso ko,
At Pamilyang Pagsamba ay pinagpapala mo.
May pagkakaisa kahit magkaibang lahi,
Tanda ’to ng kapatiran na katangi-tangi.
(KORO)
Kami’y humahanga
Sa lahat ng iyong gawa.
Sa ’yong Kaharian
May pananampalataya ’pagkat kay buti mo.
Nakatanaw sa pagpapala ng Kaharian.