Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Huwag Mag-alala

Huwag Mag-alala

I-download:

  1. 1. Alam kong ang Kaharian ay malapit na.

    Buong mundo’y magbabago; ang buhay gaganda.

    Kung minsan ay hamon pa rin

    ’Pag puso ay may pasanin.

    Pag-asa na hinihintay ay baka malimutan.

    Si Jehova ay nar’yan.

    (KORO)

    Ang kailangan ko’y tulong niya.

    Kapag may alalahanin,

    Sa Diyos ay idalangin.

    Kay Jehova umaasa.

    Kaaliwan ay nar’yan

    At tunay na kaibigan.

    Bawat araw ay may suliranin.

    Kaya’t kailangang harapin

    At ang bukas ay ’wag isipin.

    Magtiwala ka,

    ’Wag mag-alala.

  2. 2. Ang payo ko ay pakinggan,

    Ito’y ingatan.

    Buhay may kagalakan,

    ’Wag mo ’tong kalimutan.

    Diyos, may pag-ibig sa ’yo;

    ’Pagkat Anak niya’y ’sinugo.

    Kaya’t ’wag mag-alinlangan,

    Ika’y hindi niya iiwan.

    ’Wag kang mag-alala.

    (KORO)

    Dahil sa tulong niya,

    Kapag may alalahanin

    Sa Diyos ay idalangin.

    Kay Jehova umaasa.

    Kaaliwan ay nar’yan

    At tunay na kaibigan.

    Bawat araw ay may suliranin

    Na kailangang harapin.

    At ang bukas ay ’wag isipin.

    Magtiwala ka,

    ’Wag mag-alala.

    (KORO)

    Dahil sa tulong niya,

    Kapag may alalahanin

    Sa Diyos ay idalangin.

    Kay Jehova umaasa.

    Kaaliwan ay nar’yan

    At tunay na kaibigan.

    Bawat araw ay may suliranin

    Na kailangang harapin.

    At ang bukas ay ’wag isipin.

    Magtiwala ka,

    ’Wag mag-alala.

    ’Wag mag-alala.