Ibalik ang Pagkakaibigan
I-download:
1. Hanggang kailan hahayaan
Ang damdaming nasasaktan?
Kailangan kong magpatawad
At magsikap
Na kalimutan ang lahat.
(KORO)
Ang lagi kong tatandaan:
Kung tayo’y magpapatawad
At gagawin nang lubusan,
Pagpapala’y makakamtan.
2. Dakila ang pag-ibig na
’Pinakita ng ating Diyos.
Kaya laging magsisikap
Ipakita ang awa
At pagmamahal.
(KORO)
Ang lagi kong tatandaan:
Kung tayo’y magpapatawad
At gagawin nang lubusan,
Pagpapala’y makakamtan.
(BRIDGE)
Ito ay sulit;
Kaya ako’y magsisikap.
At nang tayong dal’wa,
Muling maging magkaibigan.
3. Mahal tayo ni Jehova,
At ’yan ang mas mahalaga.
Hindi ko na iisipin;
Ang nangyari
Ay dapat nang palampasin.
(KORO)
Ang lagi kong tatandaan:
Kung tayo’y magpapatawad
At gagawin nang lubusan,
Pagpapala’y makakamtan,
Pagpapala’y makakamtan.
Ito ay sulit.