Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ikaw ay Tatatag

Ikaw ay Tatatag

I-download:

  1. 1. Musmos pa man, kami ay tinuruan.

    No’n ay bata, pero lahat naunawaan.

    Si Tatay ang nagtuturo sa akin.

    Kahit na ngayon, rutina ang kaniyang bilin.

    At kung nag-iisa, sa Bibliya ay nagbabasa.

    Binubulay salita nito upang ako’y ’di mapahamak.

    (KORO)

    Ika’y tatatag,

    Tulad ng punong naro’n sa tabing-ilog.

    Ika’y tatatag.

    ’Di ka malalanta, tagumpay ka lagi.

    Ika’y tatatag,

    Tulad sa pagkakaugat na malalim.

    Ika’y tatatag.

    Pagsulong mo’y malayo ang mararating.

  2. 2. Pa’no na kung kailangang magsalita?

    Pa’no kaya kung iba ang paniniwala?

    Naririto lahat ang kailangan ko.

    Buong tapang na sinanay sa pagkabata.

    Kapag nag-iisa, sa Bibliya ay nagbabasa.

    Binubulay salita nito upang ako’y ’di mapahamak

    (KORO)

    Ika’y tatatag,

    Tulad ng punong naro’n sa tabing-ilog.

    Ika’y tatatag.

    ’Di ka malalanta, tagumpay ka lagi.

    Ika’y tatatag,

    Tulad sa pagkakaugat na malalim.

    Ika’y tatatag.

    Pagsulong mo’y malayo ang mararating.

    (BRIDGE)

    Taglay kong kaalaman,

    Tutulong kaninuman.

    Pampatibay-loob sa sinumang nangangailangan.

    (KORO)

    Ika’y tatatag.

    Ika’y tatatag.

    Ika’y tatatag.

    Ika’y tatatag.

    Ika’y tatatag,

    Tulad ng punong naro’n sa tabing-ilog.

    Ika’y tatatag.

    ’Di ka malalanta, tagumpay ka lagi.

    Ika’y tatatag,

    Tulad sa pagkakaugat na malalim.

    Ika’y tatatag.

    Pagsulong mo’y malayo ang mararating.