Lumapit Ka sa Kaniya
I-download:
1. Inilapit ka
Ng Ama na siyang nagbigay ng buhay mo.
Ang pag-ibig niya’y tapat
Para sa isang tulad mo.
Ikaw ay tutulungan niya.
’Di ka na mag-iisa.
(KORO)
Ika’y mahalaga sa kaniya.
’Di ka niya iiwan.
Lumapit ka at damhin
Pagmamahal niya sa ’yo,
Dahil siya ang ’yong Ama.
2. ’Pag nadarama
Ang lungkot at ang panghihina ng loob,
Nariyan lang ang tulong niya.
Idalangin mo sa kaniya.
Ikaw ay dadamayan niya.
Lagi siyang makikinig.
(KORO)
Ika’y mahalaga sa kaniya.
’Di ka niya iiwan.
Lumapit ka at damhin
Pagmamahal niya sa ’yo,
Dahil siya ang ’yong Ama.
(BRIDGE)
Huwag mong kalilimutan ang
Pag-ibig niyang tapat.
At lagi mong parangalan
Ang Diyos na Jehova.
(KORO)
Ika’y mahalaga sa kaniya.
’Di ka niya iiwan.
Lumapit ka at damhin
Pagmamahal niya sa ’yo,
Dahil siya ang ’yong Ama.