Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Magpatawaran Tayo

Magpatawaran Tayo

I-download:

  1. 1. Tunay na hangari’y mabuti.

    Sa kabaita’y walang masabi.

    Kung minsan ay nasasaktan pa rin.

    At pagpatak ng luha ko,

    Akin ngang natatanto.

    (KORO)

    ’Wag na nating patagalin,

    Alitan natin ay ayusin.

    Limutin ang pagkukulang,

    Magpatawad.

    Kapatid ko, turing sa ’yo.

  2. 2. Minsan ay ’di magkaunawaan.

    ’Di maiwasang puso’y masaktan.

    Ang kailangan mo’y magpatawad,

    Nang sa gayon ay matamo;

    Pagpapalang totoo.

    (KORO)

    ’Wag na nating patagalin,

    Alitan natin ay ayusin.

    Limutin ang pagkukulang,

    Magpatawad.

    Kapatid ko, turing sa ’yo.

    (BRIDGE)

    ’Wag sanang hayaang may sumira sa buklod ng pag-ibig.

    Magpatawad at kalimutan;

    Ganiyan ang magkakaibigan.

    (KORO)

    ’Wag na nating patagalin,

    Alitan natin ay ayusin.

    Limutin ang pagkukulang,

    Magpatawad.

    Sa ’ting puso, simulan ’to.

    Sa pag-ibig, magpatawaran tayo.