Awit 149
Salamat sa Pantubos
I-download:
-
Jehovang Diyos, kami’y
nasa ’yong harapan,
Dahil sa pag-ibig na
ipinakita mo.
Anak mo’y ’binigay nang
kami’y mabuhay.
Wala nang hihigit sa
’sinakripisyo mo.
(KORO)
Dahil sa buhay niya’t dugo,
napalaya kaming lahat.
Walang hanggan,
magpapasalamat kami sa ’yo.
-
Kusang ’binigay ni Jesus
ang buhay niya.
Dahil sa pag-ibig,
siya’y naging kabayaran.
Kung wala siya,
wala kaming kaligtasan.
Buhay makakamtan,
wala nang kamatayan.
(KORO)
Dahil sa buhay niya’t dugo,
napalaya kaming lahat.
Walang hanggan,
magpapasalamat kami sa ’yo.
(Tingnan din ang Heb. 9:13, 14; 1 Ped. 1:18, 19.)