Awit 139
Turuan Mo Silang Maging Matatag
I-download:
-
Turuan tupa ni Jehova,
Pagsulong makikita.
May gabay ang Diyos sa kanila
’Pag turo’y tanggap nila.
(KORO)
Jehova, aming dalangin,
Ang ’yong tupa’y kalingain.
Sa ngalan ni Jesus, hiling:
Lahat sila ay magpakatatag sana.
-
Laging ipanalangin sila,
Lalo na’t nagdurusa.
Turua’t alalayan sila
Nang lalong tumibay pa.
(KORO)
Jehova, aming dalangin,
Ang ’yong tupa’y kalingain.
Sa ngalan ni Jesus, hiling:
Lahat sila ay magpakatatag sana.
-
Ang tiwala ay pagtibayin,
Sa ’ting Diyos at kay Kristo.
Magbata’t maging masunurin
Nang ang buhay matamo.
(KORO)
Jehova, aming dalangin,
Ang ’yong tupa’y kalingain.
Sa ngalan ni Jesus, hiling:
Lahat sila ay magpakatatag sana.
(Tingnan din ang Luc. 6:48; Gawa 5:42; Fil. 4:1.)