Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 108

Ang Tapat na Pag-ibig ng Diyos

Ang Tapat na Pag-ibig ng Diyos

(Isaias 55:1-3)

  1. 1. Ang Diyos ay pag-ibig;

    Sa atin ay umaantig.

    ’Binigay ang kaniyang Anak,

    Pantubos para sa lahat,

    Upang pag-asa’y makamtan—

    Ang buhay na walang hanggan.

    (KORO)

    O kayong nauuhaw,

    Mayro’ng tubig ng buhay.

    Halina’t inyong tikman,

    Pag-ibig niyang tunay.

  2. 2. Pag-ibig niyang tapat,

    Sa gawa niya’y nahahayag.

    Pag-ibig ay ’pinakita

    Nang Anak niya’y mamahala.

    Natupad ang layunin niya.

    Kaharia’y nandito na!

    (KORO)

    O kayong nauuhaw,

    Mayro’ng tubig ng buhay.

    Halina’t inyong tikman,

    Pag-ibig niyang tunay.

  3. 3. Nawa’y maudyukan

    Na pag-ibig niya’y tularan.

    Maaamo ay tulungan

    Si Jehova’y masumpungan.

    At taglay ang takot sa Diyos,

    Tayo’y mangaral nang lubos.

    (KORO)

    O kayong nauuhaw,

    Mayro’ng tubig ng buhay.

    Halina’t inyong tikman,

    Pag-ibig niyang tunay.

(Tingnan din ang Awit 33:5; 57:10; Efe. 1:7.)