AWIT 110
Ang Kagalakang Galing kay Jehova
-
1. Namamahala na ang Kaharian;
Sa lahat ay ibalita.
Tingnan ninyo at itaas ang ulo;
Ang kaligtasa’y nar’yan na!
(KORO)
Kagalakang galing kay Jehova,
Laan lakas na kailangan.
Tayo’y magsaya sa ating pag-asa;
Umawit, siya’y pasalamatan.
Kagalakang galing kay Jehova,
Papuri’y para sa kaniya.
Kung may debosyon sa ’ting Diyos at Hari,
Kagalakan ay madarama.
-
2. Tayo’y umasa sa Diyos na Jehova.
Huwag mangamba, siya’y malakas.
Tumindig at umawit ng papuri;
Ang tinig nati’y ilakas!
(KORO)
Kagalakang galing kay Jehova,
Laan lakas na kailangan.
Tayo’y magsaya sa ating pag-asa;
Umawit, siya’y pasalamatan.
Kagalakang galing kay Jehova,
Papuri’y para sa kaniya.
Kung may debosyon sa ’ting Diyos at Hari,
Kagalakan ay madarama.
(Tingnan din ang 1 Cro. 16:27; Awit 112:4; Luc. 21:28; Juan 8:32.)