AWIT 117
Magpakita ng Kabutihan
-
1. O kay buti mo, Jehova,
Kami’y ’yong pinagpala!
Kabutiha’y ’pinakita
sa lahat ng ’yong gawa.
Ang paglingap mo at awa,
Labis-labis sa amin.
Dapat lang na sambahin ka
at paglingkuran namin.
-
2. Sa ’yong bayan, nakikita
ang iyong kabutihan—
Sa pangangaral nila at
sa paggawing kay inam.
Ang mabuting balita ay
lumaganap sa lupa.
’Yong espiritu’y dalangin,
Kabutihan ang bunga.
-
3. Sana ay ’yong pagpalain,
Mabuting gawa namin,
Para sa ’ming kapatiran
at sa aming kap’wa rin.
Sa pamilya, kongregasyon,
at sa lahat ng dako,
Ika’y aming tutularan
at ang kabutihan mo.
(Tingnan din ang Awit 103:10; Mar. 10:18; Gal. 5:22; Efe. 5:9.)