AWIT 126
Manatiling Gisíng at Magpakatibay
-
1. Gising na! Magpakatibay;
Manatiling matapat.
Taglayin ang katapangan;
Ang tagumpay ay tiyak!
Kay Jesus tayo ay sumunod,
Matatag at may lakas-loob.
(KORO)
Gising na at magpakatibay
Hanggang sa ’ting tagumpay!
-
2. Gising na! Sundan ang Kristo.
Laging handang sumunod
Sa patnubay ng aliping
inatasang maglingkod.
Payo ng matatanda sa ’tin,
Bilang tupa ay ating sundin.
(KORO)
Gising na at magpakatibay
Hanggang sa ’ting tagumpay!
-
3. Gising na at ipangaral
ang mabuting balita.
Humadlang man ang kaaway,
Tayo’y magkakaisa.
Ihayag natin si Jehova;
Kaniyang araw ay malapit na!
(KORO)
Gising na at magpakatibay
Hanggang sa ’ting tagumpay!
(Tingnan din ang Mat. 24:13; Heb. 13:7, 17; 1 Ped. 5:8.)