AWIT 143
Patuloy na Magbantay at Maghintay
-
1. Magiging kinabukasan
Nasa kamay ni Jehova.
Siya’y ipagbabangong-puri;
Tanda’y nakikita na.
(KORO)
Tayo ay magbantay at maghintay;
Ang ’pinangako niyang buhay,
Ating makakamtan na.
-
2. Panaho’y nakatakda na;
Daraigin ng Anak niya,
Lahat ng kaniyang kaaway.
Ang tagumpay ay kaniya.
(KORO)
Tayo ay magbantay at maghintay;
Ang ’pinangako niyang buhay,
Ating makakamtan na.
-
3. Dumaraing sama-sama
Ang lahat ng nilikha niya.
Hinihintay ang paglaya,
Araw niya’y malapit na.
(KORO)
Tayo ay magbantay at maghintay;
Ang ’pinangako niyang buhay,
Ating makakamtan na.
(Tingnan din ang Mat. 25:13; Luc. 12:36.)