AWIT 150
Hanapin ang Diyos Para Maligtas
-
1. Mundo’y nagkaisa
Laban sa Anak ni Jah.
Araw nila’y natapos na,
’Tinakda ni Jehova.
Kaharian ng Diyos,
Ang tagumpay ay lubos.
Mga kaaway na masama,
Si Kristo ang tatapos.
(KORO)
Diyos hanapin nang maligtas;
Sa kaniya huwag kang kakalas.
Ipakita ang
’yong katapatan,
Soberanya ay panigan.
Masdan pagliligtas ng Diyos
sa kaniyang bayan.
-
2. Kailangang magpasiya,
Mga tao sa lupa;
Makikinig o tatanggi
Sa mabuting balita.
Pagsubok harapin,
Ang takot ay daigin.
Mahal ng Diyos ang mga tapat;
Tawag nati’y diringgin.
(KORO)
Diyos hanapin nang maligtas;
Sa kaniya huwag kang kakalas.
Ipakita ang
’yong katapatan,
Soberanya ay panigan.
Masdan pagliligtas ng Diyos
sa kaniyang bayan.
(Tingnan din ang 1 Sam. 2:9; Awit 2:2, 3, 9; Kaw. 2:8; Mat. 6:33.)