Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 158

Maghihintay Kami

Maghihintay Kami

(Habakuk 2:3)

  1. 1. Dahil sa ganda

    ng iyong likha,

    Pinupuri ka,

    Diyos namin at Ama.

    Babaguhin mo

    ang buong mundo,

    At matutupad

    ang kalooban mo.

    (KORO)

    O Diyos, kami’y dinggin.

    Aming hinihiling,

    Sana’y lakas ibigay.

    Laging maghihintay

    habang nabubuhay.

    Ang ’yong pangako, O Diyos,

    ’Di mabibigo.

  2. 2. Ang mga patay,

    gigisingin mo.

    Ang aming luha

    ay papahirin mo.

    Dahil tunay ka

    at tapat na Diyos,

    Jehova,

    kami’y maghihintay sa ’yo.

    (KORO)

    O Diyos, kami’y dinggin.

    Aming hinihiling,

    Sana’y lakas ibigay.

    Laging maghihintay

    habang nabubuhay.

    Ang ’yong pangako, O Diyos,

    ’Di mabibigo.

  3. 3. Ang mga tapat

    ay inakay mo.

    Ika’y naghintay

    na puso’y tumugon.

    Dahil sa iyo—

    sa pag-ibig mo,

    Pag-asa’t buhay

    ay ’yong ibinigay.

    (KORO)

    O Diyos, kami’y dinggin.

    Aming hinihiling,

    Sana’y lakas ibigay.

    Laging maghihintay

    habang nabubuhay.

    Ang ’yong pangako, O Diyos,

    ’Di mabibigo.

    O Diyos, kami’y dinggin mo.

(Tingnan din ang Col. 1:11.)