AWIT 18
Salamat sa Pantubos
-
1. Ngayon kami’y nasa
harap mo, Jehova,
Dahil ang pag-ibig mo
sa ’mi’y ’pinakita.
Anak mo’y ’binigay
nang kami’y mabuhay.
’Sinakripisyo mo ay
wala ngang kapantay.
(KORO)
Buhay niya ay inihandog
upang kami ay matubos.
Walang hanggan,
magpapasalamat kami sa ’yo.
-
2. Ibinayad ni Kristo
ang kaniyang buhay.
Dahil sa pag-ibig,
kusa niyang ibinigay.
Nagdusa siya
para sa ’ming kaligtasan.
Buhay makakamtan,
wala nang kamatayan.
(KORO)
Buhay niya ay inihandog
upang kami ay matubos.
Walang hanggan,
magpapasalamat kami sa ’yo.
(Tingnan din ang Heb. 9:13, 14; 1 Ped. 1:18, 19.)