AWIT 26
Ito’y Ginawa Ninyo Para sa Akin
-
1. Si Jesus ay mayro’ng ibang mga tupa
na kasama ng mga kapatid niya.
Lahat ng tulong sa
mga pinahiran,
Ito ay kaniyang gagantimpalaan.
(KORO)
“Inaliw n’yo sila at tinulungan.
Ito’y ginawa n’yo para sa akin.
Pagpapagal n’yo para sa kanila,
Pagpapagal n’yo na rin sa akin.
Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”
-
2. “Nang ako’y magutom, pinakain ninyo.
Nangailangan ako at nandiyan kayo.”
“Kailan ’yon ginawa?”
kanilang ’tinanong.
At bilang sagot, ang Hari’y tutugon:
(KORO)
“Inaliw n’yo sila at tinulungan.
Ito’y ginawa n’yo para sa akin.
Pagpapagal n’yo para sa kanila,
Pagpapagal n’yo na rin sa akin.
Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”
-
3. “Kayo’y nangangaral nang may katapatan;
mga kapatid ko’y sinuportahan.”
Hari’y magsasabi
sa tupa sa kanan:
“Manahin ang lupa magpakailanman.”
(KORO)
“Inaliw n’yo sila at tinulungan.
Ito’y ginawa n’yo para sa akin.
Pagpapagal n’yo para sa kanila,
Pagpapagal n’yo na rin sa akin.
Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”
(Tingnan din ang Kaw. 19:17; Mat. 10:40-42; 2 Tim. 1:16, 17.)