Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 28

Maging Kaibigan ni Jehova

Maging Kaibigan ni Jehova

(Awit 15)

  1. 1. Sino’ng kaibigan mo,

    O Diyos na Jehova?

    Siyang pinagtitiwalaan mo;

    Siya na kilala ka.

    Siya na yumayakap

    sa iyong Salita.

    At ito ang lagi niyang gabay

    sa buong buhay niya.

  2. 2. Sino’ng kaibigan mo,

    O Diyos na Jehova?

    Siyang nagpapasaya sa iyo,

    Siya na ’yong kilala.

    Siyang nagpapabanal

    sa iyong pangalan.

    Sa salita’t gawa ay tapat

    at maaasahan.

  3. 3. Malalapitan ka

    ’pag mayro’ng problema.

    Nadarama ang pagmamahal

    at ang ’yong kalinga.

    Sana’y manatili

    ang pagkakaibigan.

    Wala nang hihigit pa sa ’yo,

    Mahal kong Kaibigan.

(Tingnan din ang Awit 139:1; 1 Ped. 5:6, 7.)