Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 29

Pamumuhay Ayon sa Aming Pangalan

Pamumuhay Ayon sa Aming Pangalan

(Isaias 43:10-12)

  1. 1. Diyos na Jehova, makapangyarihan,

    Maibigin, at makatarungan.

    Taglay mo ang saganang karunungan.

    Ang Soberano sa kalangitan.

    Bilang ’yong bayan, aming kagalakan

    Na maglingkod para sa Kaharian.

    (KORO)

    Nawa’y mamuhay ayon sa ’ming ngalan.

    Maging Saksi mo ay karangalan.

  2. 2. Magkakasama sa paglilingkuran;

    Nabubuklod sa pagkakaisa.

    Ang pagtuturo ng katotohanan,

    Nagbibigay sa amin ng saya.

    Iniingatan ang aming paggawi

    Dahil kilala sa ’yong pangalan.

    (KORO)

    Nawa’y mamuhay ayon sa ’ming ngalan.

    Maging Saksi mo ay karangalan.