Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 39

Gumawa ng Mabuting Pangalan sa Diyos

Gumawa ng Mabuting Pangalan sa Diyos

(Eclesiastes 7:1)

  1. 1. Sa buong buhay, sikaping gumawa

    Mabuting ngalan sa Diyos na Jehova.

    Kung tama’y gagawin sa kaniyang paningin,

    Malulugod ang Diyos sa atin.

  2. 2. Ang mundong ’to ay humihimok sa ’tin,

    Katanyagan ay sikaping abutin.

    Pagsang-ayon ng Diyos ay ’di makakamtan,

    Kung mundo ay ating kaibigan.

  3. 3. Sa aklat ng Diyos, nawa’y isulat niya

    Ating pangalan at mga ginawa.

    Mabuting pangalan sa Diyos ay ingatan,

    Panatilihin walang hanggan.