AWIT 51
Sa Diyos Tayo’y Nakaalay!
-
1. Tayo’y kay Jesus inakay ni Jehova,
Ngayon ay naging alagad niya.
Katotohana’y laan;
Tayo’y naliwanagan.
Tiwala’y nadagdagan,
Sarili’y tinalikdan.
(KORO)
Sa Diyos tayo’y nakaalay; ating pasiya.
Kagalakan ating nadarama.
-
2. Sa panalangin, nangako kay Jehova,
Maglilingkod tayo sa kaniya.
Dulot ay kagalakan,
Hindi mapapantayan.
Ngalan niya’y ating taglay;
Kaniya ang ating buhay.
(KORO)
Sa Diyos tayo’y nakaalay; ating pasiya.
Kagalakan ating nadarama.
(Tingnan din ang Awit 43:3; 107:22; Juan 6:44.)