Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 55

Huwag Matakot sa Kanila!

Huwag Matakot sa Kanila!

(Mateo 10:28)

  1. 1. Ibalita aking bayan

    Ang tungkol sa Kaharian.

    Ang Anak ko’y Hari na,

    Diyablo’y inihagis niya!

    Malapit na niyang gapusin

    Ang kaaway na ito.

    Ginhawa at kalayaan,

    Inyo nang matatamo.

    (KORO)

    Mahal ko, huwag kang matakot

    Sa mga banta nila.

    Lingkod ko ay iingatan

    Dahil siya’y mahalaga.

  2. 2. Kaaway man ay marami

    At nanghahamak sila.

    Minsa’y nagkukunwari

    Nang kayo ay madaya.

    Anuman ang pag-uusig,

    Huwag silang katakutan.

    Ang tapat ay maliligtas;

    Tagumpay makakamtan.

    (KORO)

    Mahal ko, huwag kang matakot

    Sa mga banta nila.

    Lingkod ko ay iingatan

    Dahil siya’y mahalaga.

  3. 3. ’Di kita kalilimutan,

    Akin kang iingatan.

    Kahit ang kamatayan

    ay ’di makahahadlang.

    Mawala man ang ’yong buhay,

    Maaalala kita.

    Manatili kang tapat at

    Tiyak ang ’yong gantimpala!

    (KORO)

    Mahal ko, huwag kang matakot

    Sa mga banta nila.

    Lingkod ko ay iingatan

    Dahil siya’y mahalaga.