AWIT 58
Hanapin ang mga Kaibigan ng Kapayapaan
-
1. Si Kristo ay nangaral sa iba,
Ang init at alikabok
ay ’di niya inalintana.
Mahal niya ang tupa ni Jehova;
Hinanap niya buong araw,
tinuruan niya.
Sa bawat pinto’t lansangan,
Pag-asa ay ipaalam,
Magwawakas lahat ng pagdurusa.
(KORO)
Hanapin ang
kaibigan ng kapayapaan.
Hanapin ang
nakaayon sa kaligtasan.
Ang lahat ay
balitaan.
-
2. Ang panahon ay apurahan na,
Kaya’t gawin buong kaya;
milyong buhay nakataya.
Pag-ibig ang nag-uudyok sa ’tin.
Pusong wasák hihilom
at buhay kakamtin.
Sa bawat lunsod at bayan,
’Pag may isang nasumpungan,
Madarama natin ang kagalakan.
(Koro)
Hanapin ang
kaibigan ng kapayapaan.
Hanapin ang
nakaayon sa kaligtasan.
Ang lahat ay
balitaan.
(Tingnan din ang Isa. 52:7; Mat. 28:19, 20; Luc. 8:1; Roma 10:10.)