AWIT 67
Ipangaral ang Salita
-
1. Diyos ay may utos sa atin
At ngayon ito ay dapat sundin.
Ang pag-asang nasa puso mo,
Laging handang ibahagi ito.
(KORO)
Ipangaral
Sa lahat ang salita!
Mangaral,
Ang wakas malapit na.
Mangaral,
Para sa maaamo.
Mangaral,
Sa b’ong mundo!
-
2. May mahirap na panahon;
Pagsalansang ay magiging hamon.
Pangangaral ma’y pagtawanan,
Diyos lang ang ating pagtiwalaan.
(KORO)
Ipangaral
Sa lahat ang salita!
Mangaral,
Ang wakas malapit na.
Mangaral,
Para sa maaamo.
Mangaral,
Sa b’ong mundo!
-
3. May panahon ding maalwan,
Pagtuturo sa iba’y kailangan,
Upang kaligtasan ay kamtin,
Pangalan ng Diyos ay pabanalin.
(KORO)
Ipangaral
Sa lahat ang salita!
Mangaral,
Ang wakas malapit na.
Mangaral,
Para sa maaamo.
Mangaral,
Sa b’ong mundo!
(Tingnan din ang Mat. 10:7; 24:14; Gawa 10:42; 1 Ped. 3:15.)