AWIT 75
Isugo Mo Ako!
-
1. Mga tao’y nandurusta
Sa pangalan ni Jehova.
Diyos daw ay may kalupitan.
“Walang Diyos,” sabi ng mangmang.
Sino ang magpapabanal
Sa ngalang winalang-dangal?
(KORO 1)
‘O Diyos, ako ay suguin!
Ngalan mo ay pupurihin.
Dakilang karangalan sa ’kin,
O, ako ay suguin!’
-
2. Siya’y mabagal, sabi nila;
Takot sa Diyos wala sila.
Yaring bato ang diyos nila;
Si Cesar ma’y sinasamba.
Sino’ng magbibigay-alam
Sa pangwakas na digmaan?
(KORO 2)
‘O Diyos, ako ay suguin!
Ang babala’y sasabihin.
Dakilang karangalan sa ’kin,
O, ako ay suguin!’
-
3. Maraming nabibigatan
Sa dami ng kasamaan.
Nais nilang masumpungan
Tunay na kapayapaan.
Sino ang handang maglaan
Ng pag-asa’t kaaliwan?
(KORO 3)
‘O Diyos, ako ay suguin!
Maamo ay aakayin.
Dakilang karangalan sa ’kin,
O, ako ay suguin!’
(Tingnan din ang Awit 10:4; Ezek. 9:4.)