PATULOY NA MAGBANTAY!
May Pag-asa sa 2024—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Marami ang nawawalan ng pag-asa ngayong 2024 dahil sa dami ng problema sa mundo. Pero may magbibigay sa atin ng pag-asa. Ano?
Nagbibigay ng pag-asa ang Bibliya
Sinasabi ng Bibliya na ang mga problemang nagpapahirap sa atin kaya nawawalan tayo ng pag-asa ay sosolusyunan ng Diyos. Malapit na niyang pahirin “ang bawat luha sa mga mata [natin], at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.”—Apocalipsis 21:4.
Para matuto pa sa mga pangako ng Bibliya sa hinaharap, basahin ang artikulong “Makakaasa Ka sa Isang Magandang Kinabukasan.”
Paano ka matutulungan ng Bibliya ngayon?
Dahil sa mga pag-asa na mababasa natin sa Bibliya puwede mong maalis o malabanan ang mga negatibong kaisipan at maging mas positibo sa buhay. (Roma 15:13) Puwede kang matulungan ng mga payo sa Bibliya para maharap mo ang mga problema gaya ng kahirapan, kawalang-katarungan, at pagkakasakit.
Alamin kung paano natulungan ng mga pangako ng Bibliya ang isang lalaking lumaki sa hirap para maging panatag at masaya. Panoorin ang video na Juan Pablo Zermeño: Dahil kay Jehova, Nagkaroon ng Kabuluhan ang Buhay Ko.
Tingnan kung paano ka matutulungan ng Bibliya kapag nakakaramdam ka ng pagkakonsensiya, kalungkutan, sobrang pag-aalala, at kapag namatayan ka ng mahal sa buhay. Basahin ang artikulong “Makakatulong Ba Talaga sa Akin ang Sinasabi ng Bibliya?”
Ang tingin ng isang dating sundalo sa sarili niya ay “masama at walang pakialam sa iba.” Tingnan kung paano siya natulungan ng mga pangako sa Bibliya. Panoorin ang video na Binitiwan Ko ang Baril Ko.
Magagawa mong maging maganda at masaya ang 2024 mo at ng pamilya mo. Alamin kung paano ka pa matutulungan ng Bibliya. Subukan ang libreng pag-aaral sa Bibliya na may kasamang tagapagturo. Tingnan kung paano ka bibigyan ng Diyos ng “kapayapaan” ngayon at ng isang “magandang kinabukasan at pag-asa.”—Jeremias 29:11.