Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PATULOY NA MAGBANTAY!

6 na Milyon ang Namatay sa COVID—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

6 na Milyon ang Namatay sa COVID—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

 Ayon sa World Health Organization (WHO), hanggang nitong Mayo 23, 2022, 6.27 milyon ang namatay dahil sa COVID-19. Pero sa isang balitang inilabas noong Mayo 5, 2022, mas malaki pa ang bilang ng mga namatay ayon sa tantiya ng WHO. Sinasabi doon na noong 2020 at 2021, “ang kabuoang namatay may kinalaman sa COVID-19 pandemic, direkta man o di-direkta, . . . ay tinatayang 14.9 milyon.” Ano ang sinasabi ng Bibliya sa ganitong nakakalungkot na mga trahedya?

Inihula ng Bibliya ang nakamamatay na mga pandemic

  •    Sinabi ni Jesus na magkakaroon ng mga epidemya ng “nakapangingilabot na mga sakit,” sa panahong tinatawag na “mga huling araw.”​—Lucas 21:11, Contemporary English Version; 2 Timoteo 3:1.

 Natutupad na sa ngayon ang hulang ito ni Jesus. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang artikulong “Ano ang Tanda ng ‘mga Huling Araw,’ o ‘Katapusan ng Panahon’?

Makakatulong ang Bibliya

  •    “Ang Diyos na nagbibigay ng kaaliwan . . . ang umaaliw sa atin sa harap ng lahat ng pagsubok.”​—2 Corinto 1:3, 4.

 Marami nang namatayan ng mahal sa buhay ang natulungan ng mensahe ng Bibliya. Makakatulong ang mga artikulong “Pagharap sa Pagdadalamhati—Ang Puwede Mong Gawin” at “Ang Pinakamabuting Tulong Para sa mga Nagdadalamhati.”

Sinasabi ng Bibliya ang permanenteng solusyon

  •    “Dumating nawa ang Kaharian mo. Mangyari nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayon din sa lupa.”​—Mateo 6:10.

 Malapit nang kumilos ang “Kaharian ng Diyos” para “walang nakatira . . . ang magsasabi: ‘May sakit ako.’” (Marcos 1:14, 15; Isaias 33:24) Para matuto pa nang higit tungkol sa gobyernong ito sa langit at kung ano ang gagawin nito, panoorin ang video na Ano ang Kaharian ng Diyos?

 Inaanyayahan ka namin na alamin ang iba pang magagandang payo at pangako ng Bibliya para makinabang ka at ang pamilya mo.