Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

hadynyah/E+ via Getty Images

PATULOY NA MAGBANTAY!

Krisis sa Pagkain sa Buong Mundo Dahil sa Digmaan at Climate Change—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Krisis sa Pagkain sa Buong Mundo Dahil sa Digmaan at Climate Change—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

 Dahil sa digmaan sa Ukraine at masasamang epekto ng climate change, patuloy na nagkakaproblema sa suplay ng pagkain sa buong mundo. Kitang-kita ito sa mahihirap na bansa kung saan marami ang halos walang makuhang pagkain.

  •   “Apektado ng mga kaguluhan, climate change, pagtaas ng presyo ng enerhiya at iba pa ang produksiyon at distribusyon ng pagkain.”—António Guterres, UN secretary-general, Hulyo 17, 2023.

  •   “Nang umatras ang Russia sa grain export agreement, sinabi ng mga eksperto na posibleng lumala ang krisis sa pagkain sa buong mundo at lalong magiging mahal ang pagkain sa mahihirap na bansa, lalo na sa mahihirap na bansa sa North Africa at Middle East.”—Atalayar.com, Hulyo 23, 2023.

 Tingnan ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa krisis sa pagkain at sa mangyayari sa hinaharap.

Inihula sa Bibliya ang krisis sa pagkain

  •   Inihula ni Jesus: “Maglalabanan ang mga bansa at mga kaharian, at magkakaroon ng taggutom.”Mateo 24:7.

  •   Inilarawan sa aklat ng Bibliya na Apocalipsis ang apat na mangangabayo. Isa sa mga ito ay lumalarawan sa digmaan. Sinusundan ito ng isa pa na lumalarawan naman sa taggutom—panahon ito na limitado ang pagkain at napakamahal. “Isang kabayong itim ang nakita ko at may hawak na timbangan ang nakasakay dito. May narinig akong parang isang tinig . . . na nagsabi, ‘Isang takal na trigo lamang ang mabibili ng sahod sa maghapong trabaho at tatlong takal na harina lamang ang mabibili sa ganoon ding halaga.’”—Pahayag (o, Apocalipsis) 6:5, 6, Magandang Balita Biblia.

 Ang mga hula tungkol sa krisis sa pagkain ay natutupad na sa panahon natin ngayon, na tinatawag ng Bibliya na “mga huling araw.” (2 Timoteo 3:1) Para sa iba pang impormasyon tungkol sa “mga huling araw” at sa apat na mangangabayo ng Apocalipsis, panoorin ang video na Nagbago ang Mundo Mula Noong 1914 at basahin ang artikulong “Ang Apat na Mangangabayo—Sino Sila?

Kung paano makakatulong ang Bibliya

  •   May praktikal na mga payo sa Bibliya na makakatulong sa atin na makayanan ang mahihirap na sitwasyon, gaya ng pagtaas ng presyo ng pagkain o taggutom. Tingnan ang ilang halimbawa sa artikulong “Paano Ka Makakapag-adjust Kapag Nabawasan ang Iyong Kita?

  •   Nagbibigay ng pag-asa ang Bibliya. Sinasabi nito na gaganda ang kalagayan natin. Ipinapangako nito na darating ang panahon na “magkakaroon ng saganang butil sa lupa” at mabubusog ang lahat. (Awit 72:16) Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pag-asa sa hinaharap at kung bakit mo ito mapagkakatiwalaan, basahin ang artikulong “Makakaasa Ka sa Isang Magandang Kinabukasan.”