Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sa kaliwa: Olena Yefremkina/stock.adobe.com; center: lunamarina/stock.adobe.com; sa kanan: Rido/stock.adobe.com

PATULOY NA MAGBANTAY!

Kanino Ka Makakapagtiwala?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Kanino Ka Makakapagtiwala?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

 Nadidismaya ang mga tao kapag binibigo sila ng mga taong pinagkakatiwalaan nila. Marami ang nawalan ng tiwala sa mga . . .

  •   lider ng politika na inuuna ang sariling kapakanan kaysa sa pangangailangan ng mga tao.

  •   media na naghahatid ng di-patas at maling mga report.

  •   scientist na hindi iniisip ang pinakamabuti para sa maraming tao.

  •   lider ng relihiyon na nakikibahagi sa politika imbes na maging kinatawan ng Diyos.

 Tama lang na maging maingat ang mga tao sa kung sino ang dapat nilang pagkatiwalaan. Sinasabi ng Bibliya:

  •   “Huwag kayong umasa sa makapangyarihang mga tao o sa anak ng tao, na hindi makapagliligtas.”—Awit 146:3, talababa.

Isa na mapagkakatiwalaan mo

  Ipinapakilala ng Bibliya ang isa na mapagkakatiwalaan mo: Si Jesu-Kristo. Hindi lang siya isang mabuting tao na nabuhay noon. Inatasan ng Diyos si Jesus na maging Hari sa Kaharian ng Diyos, isang gobyerno na namamahala na ngayon sa langit. (Mateo 6:10) Sinasabi sa Bibliya: “Maghahari siya . . . at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”—Lucas 1:32, 33.