Labanan ang Lungkot: Makipagkaibigan—Kung Paano Makakatulong ang Bibliya
Noong 2023, kinilala ng mga health expert na isang seryosong problema sa kalusugan ang kalungkutan, at kailangan itong masolusyunan. May magagawa pa ba talaga para dito?
“Malaki ang epekto ng kalungkutan at pag-iisa sa pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan natin,” ang sabi ni Dr. Vivek Murthy, U.S. surgeon general. Pero sinabi rin niya: “May magagawa tayo.” Ano? “Sa araw-araw, sikapin nating patibayin ang kaugnayan natin sa iba, kahit sa mga simpleng paraan.” a
Hindi lang mga taong nag-iisa ang nakakaramdam ng lungkot. May ilan na kahit may kasama, nalulungkot pa rin. Pero anuman ang dahilan, makakatulong ang Bibliya. May mga payo ang Bibliya kung paano mapapatibay ang kaugnayan natin sa iba, at makakatulong iyan para malabanan ang lungkot.
Mga prinsipyo sa Bibliya na makakatulong
Makipag-usap sa iba. Hindi lang iyan pagsasabi sa iba ng nararamdaman mo, kundi kasama rin ang pakikinig nang mabuti sa kanila. Kapag nararamdaman ng isang tao na interesado ka talaga sa kaniya, mas titibay ang kaugnayan ninyo.
Prinsipyo sa Bibliya: “[Isipin] ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lang ang sa inyo.”—Filipos 2:4.
Makipagkaibigan sa iba’t ibang tao. Subukan mong makipagkaibigan sa mga taong mas matanda o bata sa iyo, o sa mga tao na iba ang kultura, lahi, at pinagmulan.
Prinsipyo sa Bibliya: “Buksan . . . ninyong mabuti ang inyong puso.”—2 Corinto 6:13.
Para sa higit pang impormasyon kung paano magkakaroon ng mas malapít na pakikipagkaibigan sa iba, basahin ang artikulong “Sinasapatan ang Ating Masidhing Pagnanais na Makipagkaibigan.”
a Our Epidemic of Loneliness and Isolation: The U.S. Surgeon General’s Advisory on the Healing Effects of Social Connection and Community, 2023.