Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

kovop58/stock.adobe.com

PATULOY NA MAGBANTAY!

Magkakaisa Ba Talaga ang Mundo Dahil sa Olympics?—⁠Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Magkakaisa Ba Talaga ang Mundo Dahil sa Olympics?—⁠Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

 Sa 2024 Summer Olympics, mga limang bilyon ang manonood habang naglalaro ang mga atleta mula sa 206 na lupain. “Bahagi tayo ng isang event na pinagkakaisa ang buong mundo para maging payapa,” ang sabi ni Thomas Bach, presidente ng International Olympic Committee. “Isapuso natin ang diwa ng Olympics na ito, na ang lahat ng tao ay mamuhay nang payapa at nagkakaisa kahit na magkakaiba tayo.”

 Magagawa ba talaga iyan ng Olympics? Posible ba talagang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa?

Tunay na kapayapaan at pagkakaisa dahil sa Olympics?

 Hindi lang basta sports ang Olympics sa taóng ito. Nagiging dahilan din ito ng mga isyu sa politika at lipunan na nakakaapekto sa pagkakaisa ng mga tao. Kasama sa mga isyung iyan ang karapatang pantao, racism, diskriminasyon dahil sa relihiyon, at di-pagkakapantay-pantay ng mga tao.

 Nagsisilbing entertainment ngayon ang mga international sporting event na gaya ng Olympics. Pero kitang-kita din dito ang mga ugali at ginagawa ng mga tao na nagiging dahilan para magkabaha-bahagi sila imbes na magkaisa at maging payapa.

 Inihula sa Bibliya ang mga ugali ng mga tao na nagiging dahilan kung bakit nahihirapan silang magkaisa ngayon. (2 Timoteo 3:1-5) Para malaman ang iba pa tungkol sa hulang ito ng Bibliya, basahin ang artikulong “Inihula Ba ng Bibliya na Magiging Ganito ang Ugali ng mga Tao sa Ngayon?

Tunay na kapayapaan at pagkakaisa sa mundo

 Mababasa sa Bibliya na talagang magiging payapa at magkakaisa ang lahat ng tao sa mundo. Sinasabi nito na gagawin iyan ng isang gobyerno sa langit na tinatawag na “Kaharian ng Diyos.”—Lucas 4:43; Mateo 6:10.

 Titiyakin ni Jesu-Kristo, ang Hari ng Kahariang iyon, na magkakaroon ng kapayapaan sa buong mundo. Sinasabi ng Bibliya:

  •   “Mamumukadkad ang matuwid, at mamamayani ang kapayapaan.”—Awit 72:7.

  •   “Ililigtas niya ang dukha na humihingi ng tulong . . . Sasagipin niya sila mula sa pang-aapi at karahasan.”—Awit 72:12, 14.

 Ngayon pa lang, nagkakaisa na ang milyon-milyong tao sa 239 na lupain dahil sa mga turo ni Jesus. Bilang mga Kristiyano, natutuhan ng mga Saksi ni Jehova sa buong mundo na maging mapagpayapa. Para malaman kung paano, basahin ang isyu ng magasing Bantayan na “Madadaig Natin ang Poot.”