Mahal ng Diyos ang mga Bingi
Sa ngayon, mga 70 milyon na ang bingi sa buong mundo. Marami sa kanila ang gumagamit ng isa sa mahigit 200 sign language. Nakakalungkot, madalas na di-maganda ang trato sa mga bingi, gaya ng ipinapakita ng mga ulat na ito:
“Sa buong mundo, madalas na binabale-wala ang mga karapatan ng mga bingi at may problema sa pandinig.”—National Association of the Deaf (U.S.).
“Kasama sa pinakamahihirap na mga tao ang mga bingi sa umuunlad na mga bansa. Limitado ang oportunidad nilang makapag-aral, makapagtrabaho, at makakuha ng impormasyon.”—World Federation of the Deaf.
Ano ang tingin ng Diyos sa mga bingi? Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kanila? At paano sila tinutulungan ngayon ng mga Saksi ni Jehova?
Ang Tingin ng Diyos sa mga Bingi
Ipinapakita ng Bibliya na mahal ng Diyos na Jehova a ang mga bingi. Ayaw niyang nakikita na tinatrato sila nang di-maganda, at gusto niyang matuto sila mula sa mga itinuturo niya.
Teksto: “Huwag mong susumpain ang taong bingi.”—Levitico 19:14.
Ibig sabihin: Sa Kautusan ni Jehova para sa mga sinaunang Israelita, pinrotektahan ang mga karapatan ng mga bingi.
Teksto: “Hindi nagtatangi ang Diyos.”—Gawa 10:34.
Ibig sabihin: Mahal ni Jehova ang lahat ng tao, anuman ang kultura, pinagmulan, at wika nila, kasama rito ang mga bingi.
Teksto: ‘Si Jesus ay lumibot at nangaral ng mabuting balita ng Kaharian.’—Mateo 9:35.
Ibig sabihin: Bumaba si Jesus sa lupa para ituro ang tungkol sa Kaharian ng Diyos at ang gagawin nito para sa lahat ng tao, kasama ang mga bingi.—Mateo 6:10.
Teksto: Napagaling ni Jesus “kahit ang mga pipi at bingi.”—Marcos 7:37.
Ibig sabihin: Ipinakita ni Jesus na sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, makakarinig at makakapagsalita ang mga pipi at bingi. Sa pangyayaring ito, nagpakita ng malasakit si Jesus sa lalaking bingi at may kapansanan sa pagsasalita kaya sumenyas muna siya bago niya pinagaling ito.—Marcos 7:31-35.
Teksto: “Mabubuksan ang mga tainga ng bingi.”—Isaias 35:5.
Ibig sabihin: Inihula ni Jehova na makakarinig ang mga bingi.—Isaias 29:18.
Kung Paano Tinutulungan Ngayon ng mga Saksi ni Jehova ang mga Bingi
Ipinapangaral ng mga Saksi ni Jehova sa mga taong bingi sa buong mundo ang magandang pag-asa na ipinangako ng Diyos. Paano namin ginagawa iyan? Gumagawa kami ng Bibliya at mga video para sa pag-aaral ng Bibliya sa mahigit 100 sign language. Nagtuturo kami ng Bibliya at nag-oorganisa ng mga Kristiyanong pagpupulong sa sign language. Libre ang lahat ng ito para sa mga gustong lumapit sa Diyos. Bakit? Dahil iniutos ni Jesus: “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.”—Mateo 10:8.
Puwede mong ma-access ang mga ito online o ma-download sa device mo mula sa:
JW.ORG. I-click ang icon na ito na nasa itaas ng lahat ng page sa website para makapili ng wika sa sign language.
JW Library Sign Language app. I-install ang libreng app na ito sa device mo para makapag-download ka o makapag-stream ng mga video sa sign language.
Ang mga Ginagawa Namin Para sa Pagtuturo ng Bibliya
Bibliya sa sign language. Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa American Sign Language ang kauna-unahang kumpletong Bibliya sa sign language. Sa ngayon, available na ang buong Bagong Sanlibutang Salin o ang ilang bahagi nito sa maraming sign language, at nadadagdagan pa iyan taon-taon. (Para sa listahan ng wika o para mapanood ang Bibliya online, tingnan ang kahong “ Ang Bagong Sanlibutang Salin na Bibliya sa Sign Language.”)
Panoorin ang video na Available Na ang Kumpletong Bagong Sanlibutang Salin sa ASL para malaman kung paano ginagawa ang Bibliya sa sign language.
Para mas ma-enjoy mo ang pagbabasa ng Bibliya, i-install ang JW Library Sign Language app. Sa app na ito, mapipili mo ang mga talata na gusto mong panoorin sa sign language.
Parehong bingi sina Dmytro at Vita, pero nakakarinig ang mga anak nila. Tingnan kung paano nakakatulong sa pamilya nila ang panonood ng Bibliya sa sign language araw-araw.
Mga video na nagtuturo ng Bibliya. Gumawa ang mga Saksi ni Jehova ng mga video sa sign language para matulungan ang mga tao na maintindihan at maisabuhay ang mga payo ng Bibliya para sa . . .
One-on-one na pag-aaral ng Bibliya. Pag-aralan sa sign language ang sinasabi ng Bibliya sa gusto mong schedule. Puwede kang tulungan ng isang tagapagturo. I-request na ipakita sa iyo kung paano ginagawa ang libreng pag-aaral na ito sa Bibliya.
Nakatira si Jeson Senajonon sa Pilipinas. Tingnan kung paano nakatulong sa kaniya ang pag-aaral ng Bibliya para mapalapít sa Diyos.
Si Mario Antúnez ay isang pastor sa Honduras. Alamin kung paano nasagot ang mga tanong niya sa Bibliya. Basahin ang kuwento niya na “Ang Dami Kong Tanong.”
Mga pulong at programa. Sa buong mundo, may mga kongregasyon kami at grupo ng sign language. Linggo-linggo, nagpupunta doon ang mga bingi para matuto at sumamba. Nag-oorganisa rin kami ng mas malalaking programa ng pagtuturo ng Bibliya sa sign language taon-taon. May tactile interpreting din para sa mga taong parehong bulag at bingi. May mga literatura din kami sa braille na puwedeng makuha nang libre.
Humanap ng kongregasyon na malapit sa iyo.
Alamin ang tungkol sa mga taunang kombensiyon at asamblea namin.
Dumalo sa Memoryal ng Kamatayan ni Jesus, ang pinakamahalagang event ng taon para sa amin.
Nakatira si José Luis Ayala sa Mexico. Ipinanganak siyang bingi, at paglipas ng panahon, nabulag siya. Alamin kung paano siya naging isang tagapagturo ng Bibliya.
a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos. (Awit 83:18) Tingnan ang artikulong “Sino si Jehova?”