Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

fcafotodigital/E+ via Getty Images

Pagiging Vegan—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Pagiging Vegan—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

 Maraming tao sa buong mundo ang interesado sa pagiging vegan.

  •   “Ang pagiging vegan ay isang paraan ng pamumuhay na umiiwas—hangga’t posible at makakaya—sa anumang paggamit at pagmamalupit sa mga hayop para sa pagkain, damit, o iba pang dahilan.”—The Vegan Society.

 May ilang tao na nagiging vegan, hindi lang dahil sa awa sa mga hayop, kundi dahil sa kalusugan, relihiyon, o para makatulong sa kalikasan.

  •   “Hindi lang basta diet ang pinag-uusapan sa pagiging vegan. Karaniwan nang kasama rito ang paniniwala, prinsipyo sa moral, at kagustuhan ng tao na baguhin ang mundo.”—Britannica Academic.

 Solusyon ba ang pagiging vegan para maging maganda ang kinabukasan natin? Ano ang sinasabi ng Bibliya?

Ano ang tingin ng Maylalang sa mga tao at hayop?

 Ipinapakita ng Bibliya na para sa Maylalang, ang Diyos na Jehova, a ang tao ay mas mataas sa mga hayop, at binigyan niya sila ng awtoridad sa mga ito. (Genesis 1:27, 28) Di-nagtagal, pinayagan ng Diyos na kainin ng tao ang mga hayop. (Genesis 9:3) Pero ayaw niya na maging malupit ang tao sa mga hayop.—Kawikaan 12:10.

 Sinasabi ng Bibliya na nasa sa atin na kung kakain tayo ng karne o hindi. b Alinman ang piliin natin, hindi nito maaapektuhan ang tingin ng Diyos sa atin. (1 Corinto 8:8) Hindi natin dapat husgahan ang gagawing desisyon ng iba.—Roma 14:3.

Ang solusyon sa magandang kinabukasan

 Ipinapakita ng Bibliya na anuman ang piliin nating lifestyle, hindi nito masosolusyunan ang mga problema sa mundo. Nasa sistema ng politika, lipunan, at ekonomiya kasi ang pinakaugat ng maraming problema natin ngayon. At hindi na mababago ng tao ang mga sistemang ito. Sinasabi ng Bibliya:

 Sosolusyunan ng Maylalang ang lahat ng problema. Inilalarawan ng Bibliya ang gagawin niya.

  •   “At nakita ko ang bagong langit at ang bagong lupa; dahil ang dating langit at ang dating lupa ay lumipas na, at ang dagat ay wala na.”—Apocalipsis 21:1.

 Papalitan ng Diyos ang mga gobyerno ng tao, o ang “dating langit,” ng “bagong langit”—ang Kaharian ng Diyos sa langit. Aalisin ng Kaharian niya ang “dating lupa,” o ang lahat ng masasama. Pamamahalaan nito ang “bagong lupa,” o ang mga handang sumunod sa pamamahala ng Kaharian.

 Sa ilalim lang ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos magkakaroon ang tao ng mapayapang kaugnayan sa mga hayop, at sa panahon ding iyon matututo ang lahat ng tao na ingatan nang lubusan ang kalikasan.—Isaias 11:6-9.

a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.—Awit 83:18.

b Pero iniuutos ng Bibliya na “patuloy na umiwas . . . sa dugo.” (Gawa 15:28, 29) Ibig sabihin, hindi tayo iinom ng dugo o kakain ng karne na hindi pinatulo ang dugo. Hindi rin tayo kakain ng anumang pagkain na hinaluan ng dugo.