Positibo Kahit Nag-iisa—Paano?
Nalulungkot ka ba kasi pakiramdam mo, nag-iisa ka? Baka naiintindihan mo ang salmista na nagsabi: “Para akong ibong nag-iisa sa bubong.” (Awit 102:7) Matutulungan ka ng payo mula sa Bibliya na maging positibo kahit nag-iisa.
Maging malapít sa Diyos
Kahit nag-iisa ka o nasa bahay lang, puwede ka pa ring maging masaya kung maiintindihan mo na kailangan mo ang Diyos at kung magiging malapít ka sa kaniya. (Mateo 5:3, 6) Puwede mong gamitin ang mga libreng pantulong na ito:
Online na Bibliya na tumpak at madaling maintindihan
Online Bible Study Lessons na sasagot sa mahahalagang tanong sa buhay
Maiikling video tungkol sa mahahalagang turo sa Bibliya
“Sagot sa mga Tanong sa Bibliya”—Simpleng sagot sa mga karaniwang tanong sa Bibliya
“Tularan ang Kanilang Pananampalataya”—Detalyadong kuwento tungkol sa buhay ng mga tapat na lalaki at babae sa Bibliya
“May Nagdisenyo Ba Nito?”—Mga artikulo tungkol sa uniberso at mga nilalang
Magbasa ng nakakapagpatibay na teksto sa Bibliya
Nakatulong sa marami ang mga tekstong ito. Imbes na basta magbasa ng maraming teksto, gamitin ang panahong ito para pag-isipan ang binabasa mo at manalangin.—Marcos 1:35.
Alamin ang ibig sabihin ng mga nangyayari sa mundo
Mas mahaharap mo ang mahirap na sitwasyon kung alam mo kung bakit ito nangyayari at kung paano ito aayusin ng Diyos.—Isaias 65:17.
Iwasan ang sobrang pag-aalala
Makakatulong sa iyo ang mga artikulong ito para hindi ka na masyadong ma-stress at “huwag [nang] mag-alala.”—Mateo 6:25.
Makipagkaibigan
Makakatulong ang pagkakaroon ng mga kaibigan sa iyong mental at emosyonal na kalusugan. At lalo na itong mahalaga ngayon, kasi wala tayong pagkakataon na personal na makasama ang ibang tao. Kung nasa bahay ka lang, puwede kang mag-videoconference o mag-voice call para maingatan ang kaugnayan mo sa mga kaibigan mo o magkaroon ng mga bagong kaibigan. Matutulungan ka ng mga artikulong ito para magkaroon ka ng mga “tunay na kaibigan” at maging ganoon ka rin sa kanila.—Kawikaan 17:17.
Mag-exercise at maging aktibo
Sinasabi ng Bibliya na “may ... pakinabang sa pag-eehersisyo.” (1 Timoteo 4:8, talababa) Makakatulong ito sa mental na kalusugan mo lalo na ngayong hindi mo nakakasama ang ibang tao. Kahit na nasa bahay ka lang, puwede ka pa ring mag-exercise.