Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

SAAN NAPUPUNTA ANG DONASYON MO?

Mga Kantang Naglalapít sa Atin sa Diyos

Mga Kantang Naglalapít sa Atin sa Diyos

NOBYEMBRE 1, 2021

 Ang musika ay isang magandang regalo mula kay Jehova. Kaya nitong maapektuhan ang isip natin, ang nararamdaman natin, at puwede rin tayo nitong mapasigla. At iyan ang nagagawa ng mga original song natin. Ang totoo, mayroon pa nga itong ibang nagagawa: inilalapít tayo nito kay Jehova.

 Mula 2014, mahigit nang 70 original song ang nagawa, at ngayon, available na sa mahigit 500 wika ang kahit isa sa mga kantang iyan! Pero baka maitanong mo, ‘Sino kaya ang gumagawa ng mga kantang ’to, at paano kaya ito pino-produce?’

Ang Paggawa ng mga Kanta

 Ginagawa ang mga original song ng isang music team sa Audio/Video Services. Nasa ilalim ito ng pangangasiwa ng Teaching Committee ng Lupong Tagapamahala. Ang music team ay binubuo ng 13 brother at sister na tumutulong sa composing, music engineering, scheduling, at iba pang mga gawain. Bukod diyan, inaprobahan din ng Teaching Committee ang mga remote volunteer mula sa buong mundo para tumulong sa gawaing ito. Ang ilan sa kanila ay mga kompositor, manunugtog ng instrumento, at mga mang-aawit. Mapagpakumbabang ginagamit ng mga kapatid na ito ang talento nila, at hindi sila naghahangad na hangaan ng iba.

 Paano ginagawa ang isang original song? Una, pumipili ang Teaching Committee ng mga tekstong pagbabasehan ng kanta at kung ano dapat ang maramdaman ng makakarinig nito. Mag-aatas ang music team ng magko-compose ng musika at gagawa ng lyrics. Ihahanda ang isang sample na recording. Ire-review ng Teaching Committee ang sample na recording at magbibigay ng ilan pang mungkahi. Pagkatapos, ia-adjust ng music team ang kanta at ire-record ang pinakahuling bersiyon nito. Inire-record ang mga kantang ito sa iba’t ibang lugar, kasama na ang mga pasilidad ng sangay at mga bahay na may recording equipment.

 Para makapag-compose at makapag-record ng mga original song, gumagamit ang mga kapatid ng iba’t ibang klase ng computer program. Kailangan din dito ng mga equipment gaya ng mga musical instrument, mixing console, amplifier, speaker, at microphone. Ang isang microphone ay nagkakahalaga ng mula $100 hanggang mahigit $1,000 (U.S.). Nitong 2020, gumastos tayo ng $116,000 (U.S.) para sa mga music-recording equipment.

 Ano ang ginagawa natin para makatipid? Imbes na bumuo ng isang malaking music team sa Bethel, gumamit tayo ng maraming remote volunteer. Bukod diyan, imbes na magsama-sama nang personal ang mga manunugtog sa orkestra, kadalasan nang nagko-compose at gumagawa ng musika ang mga kapatid gamit ang isang computer program.

“Isang Pampatibay”

 Gustong-gusto ng mga kapatid ang mga original song. Sinabi ni Tara na taga-Germany: “Kapag nag-aalala ’ko, nakakatulong ang mga kantang ’to para ma-relax ako. Kapag pinapakinggan ko ang mga ito sa sarili kong wika, para akong niyayakap ni Jehova.” Sinabi naman ni Dmitry na taga-Kazakhstan: “Nakakapakinig ako ng mga kanta nang hindi na nag-aalala na baka labag ito sa mga prinsipyo sa Bibliya. Hindi lang ’yan, natutulungan din ako ng mga kantang ’to na manatiling nakapokus sa espirituwal na mga bagay.”

 Sinabi ni Delia na taga-South Africa ang epekto sa kaniya ng mga original song: “Itinuturing ko itong isang pampatibay. Kapag nalulungkot ako o napapaharap sa isang mahirap na sitwasyon, laging may kantang sakto sa pinagdadaanan ko. Kadalasan, tono pa lang ng mga kanta, sapat na para mawala ang lungkot ko.”

 May ilang original song na naging paborito ng marami. Sinabi ni Lerato na taga-South Africa din: “Sa mga kantang ‘Ito’y Nalalapit Na’ at ‘Malapit Na,’ nai-imagine kong sinasalubong ko ang mahal kong nanay. Sa tuwing pinapakinggan ko ang mga kantang ’to, parang nakikita ko siyang tumatakbo papalapit sa ’kin para yakapin ako.”

 Nakatulong ang isang original song sa isang teenager sa Sri Lanka. Sinabi niya: “Pinagalitan ako ng science teacher ko sa harap ng klase kasi Saksi ni Jehova ako. Natakot ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. Pag-uwi ko, sinabi ni Mama na pakinggan ko ang kantang ‘Ikaw ay Tatatag.’ Sa kantang ’to, na-realize ko na dapat pala ’kong mag-research at maghanda ng isasagot ko. Kinabukasan, kinausap ko ang teacher ko. Nakinig siya at sinabing naiintindihan na niya ngayon ang paniniwala ng mga Saksi ni Jehova. Salamat sa organisasyon ni Jehova, kasi binigyan tayo nito ng ganitong nakakapagpatibay na mga kanta.”

 Saan kinukuha ang panggastos para magawa ang mga kantang ito? Sa mga donasyon sa pambuong-daigdig na gawain, na karamihan ay ipinapadala gamit ang mga paraang makikita sa donate.pr418.com. Maraming salamat sa inyong pagkabukas-palad.