Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

JW LIBRARY

Paggamit ng Bookmark​—Android

Paggamit ng Bookmark​—Android

Sa bookmark feature ng JW Library, puwede kang mag-iwan ng palatandaan sa alinmang publikasyon, gaya ng ginagawa mo kapag nagbabasa ka ng isang libro. May 10 bookmark sa bawat publikasyon sa JW Library.

Sundin ang sumusunod na tagubilin para sa paggamit ng bookmark:

 Maglagay ng Bagong Bookmark

Puwede kang mag-bookmark ng isang artikulo o kabanata, o kaya’y isang parapo o teksto sa Bibliya.

Para mag-bookmark ng isang artikulo o kabanata, i-tap ang Bookmark button. Lilitaw ang mga bookmark sa nakabukas na publikasyon. Mag-tap ng isang bakanteng bookmark para maglagay ng palatandaan sa nakabukas na artikulo o kabanata.

Para mag-bookmark ng isang o parapo teksto sa Bibliya, i-tap ang text; saka i-tap ang Bookmark button sa lilitaw na menu.

 Magpunta sa Isang Bookmark

Para makita ang isang bookmark, buksan ang publikasyong naglalaman ng bookmark; saka i-tap ang Bookmark button. I-tap ang bookmark na gusto mong makita.

 Organisahin ang Iyong mga Bookmark

Kapag nai-set na ang isang bookmark, puwede itong alisin o palitan.

Para alisin ang isang bookmark, i-tap ang Bookmark button; saka i-tap ang More button sa tabi ng bookmark na gusto mong alisin. I-tap ang Delete.

Para palitan ang isang bookmark, i-tap ang Bookmark button; saka i-tap ang More button sa tabi ng bookmark na gusto mong palitan. I-tap ang Replace para mapalitan ang bookmark. Malaking tulong ito kapag nagbabasa ka ng isang publikasyon. Halimbawa, magagamit mo ito sa iyong araw-araw na pagbabasa ng Bibliya.

Ang mga feature na ito ay lumabas noong Mayo 2014 sa JW Library 1.2, na compatible sa Android 2.3 o mas bago pa. Kung hindi mo makita ang mga feature na ito, sundin ang mga tagubilin sa artikulong “Gamitin ang JW Library—Android,” sa ilalim ng Laging Mag-update.