JW LIBRARY
Pagbabago ng Setting Para Masiyahan sa Pagbabasa—Android
May mga feature ang JW Library na tutulong sa iyo para masiyahan sa pagbabasa. Makikita ang mga ito sa app bar na nasa itaas ng screen kapag nagbabasa ka ng isang kabanata o artikulo.
I-tap ang More button para makita ang ilang function na nasa app bar.
Sundin ang mga tagubiling ito para masiyahan sa iyong pagbabasa:
Pumili ng Wika
Puwede mong baguhin ang wika ng binabasa mong kabanata o artikulo.
I-tap ang Languages para makita kung sa anong mga wika available ang binabasa mong pahina. Makikita mo rin ang mga Simplified Edition ng Ang Bantayan. Ang wika na madalas mong gamitin ang nasa itaas ng listahan. Puwede mo ring i-type ang wika para hanapin ito sa listahan.
Kapag hindi mo pa na-download ang isang wika, makikita mo ang icon na hugis ulap. Para i-download, i-tap lang ito. Kapag na-download na ang publikasyon, mawawala na ang icon na hugis ulap. Para basahin, i-tap ito uli.
Baguhin ang Setting ng Text
Puwede mong baguhin ang laki ng text ng binabasa mo.
I-tap ang Text Settings at i-adjust ang slider. Magiging ganito kalaki ang text sa lahat ng publikasyon na nasa app.
Pumili ng View Format
May mga artikulo na puwedeng basahin gamit ang image or text view. I-tap ang angkop na button para magbago ang view.
Image: Sa image view, makikita mo ang artikulo sa nakaimprenta nitong format. Ito ang pinipili ng ilan para sa mga publikasyong gaya ng aklat-awitan, dahil makikita dito ang nota ng musika.
Text: Sa text view naman, puwede mong i-tap ang mga teksto sa Bibliya; puwede ring mabago ang laki ng text.
Buksan sa . . .
Sa feature na Open in . . . mabubuksan mo sa ibang app ang ilang nilalaman na nasa JW Library.
I-tap ang Open in . . . para makita ang listahan ng mapagpipiliang app. Halimbawa, puwede mong i-tap ang Open in Online Library para buksan sa Watchtower ONLINE LIBRARY ang isang pahina na binabasa mo.
I-customize ang Gagamiting mga Bibliya
Kapag nag-tap ka ng isang teksto sa Bibliya, lilitaw ito sa mga salin ng Bibliya na nai-download mo. I-tap ang Customize na nasa ibaba ng mga teksto para magdagdag ng salin ng Bibliya na nai-download mo na.
I-tap ang Add o Remove para alisin o idagdag sa listahan ang isang salin ng Bibliya. Drag the Bibles up and down to reorder the list.
Tingnan ang “Pagda-download at Pag-oorganisa ng mga Bibliya—Android” para malaman kung paano magdaragdag ng Bibliya sa JW Library.
Ang mga feature na ito ay lumabas noong Pebrero 2015 sa JW Library 1.4, na compatible sa Android 2.3 o mas bago pa. Kung hindi mo makita ang mga feature na ito, sundin ang mga tagubilin sa artikulong “Gamitin ang JW Library—Android,” sa ilalim ng Laging Mag-update.