Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

JW LIBRARY

Pagda-download at Pag-oorganisa ng mga Bibliya​—iOS

Pagda-download at Pag-oorganisa ng mga Bibliya​—iOS

Isang mahalagang feature ng JW Library ang pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya.

Sundin ang sumusunod na tagubilin para sa pagda-download at pag-oorganisa ng mga Bibliya:

 Mag-download ng Bibliya

Puwede kang mag-download ng mga salin ng Bibliya para mabasa mo ang mga ito at mapag-aralan kahit naka-offline ka.

  • I-tap ang Bible para sa listahan ng mga aklat ng Bibliya.

  • I-tap ang Languages button para sa listahan ng lahat ng mada-download na Bibliya. Ang mga salin sa wikang madalas mong gamitin ang nasa unahan ng listahan. Puwede mo ring i-type ang wika o salin ng Bibliya para hanapin ito. Halimbawa, i-type ang “int” para sa Kingdom Interlinear sa English o “port” para sa mga Bibliya sa Portuguese.

  • May icon na hugis ulap ang mga hindi mo pa nai-download na Bibliya. I-tap ang isang Bibliya para ma-download ito. Kapag nai-download na ang Bibliya, mawawala na ang icon na hugis ulap. I-tap uli ang Bibliya para mabasa ito.

Kung wala ang hinahanap mong salin ng Bibliya, subukan mo uling maghanap sa susunod. May mga idaragdag na salin kapag available na ang mga ito.

 Mag-delete ng Bibliya

Puwede mong i-delete ang isang salin ng Bibliya kung hindi mo na kailangan, o kung kailangan mo ng ekstrang space.

I-tap ang Bible, saka i-tap ang Languages para mabuksan ang listahan ng mga Bibliya. I-swipe ang Bibliya na gusto mong alisin; saka i-tap ang Delete.

 Mag-update ng Bibliya

Sa pana-panahon, nagkakaroon ng update ang mga Bibliya na nai-download mo.

Ang palatandaan nito ay ang icon na refresh. Kapag nag-tap ka ng Bibliya, lilitaw ang isang mensahe na nagsasabing may update. I-tap ang Download para sa update, o i-tap ang Later kung gusto mong ituloy ang paggamit sa lumang bersiyon.

Ang mga feature na ito ay lumabas noong Pebrero 2015 sa JW Library 1.4, na compatible sa iOS 6.0 o mas bago pa. Kung hindi mo makita ang mga feature na ito, sundin ang mga tagubilin sa artikulong “Gamitin ang JW Library—iOS,” sa ilalim ng Laging Mag-update.