Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

JW LIBRARY

Pag-highlight ng Text​—iOS

Pag-highlight ng Text​—iOS

Habang nag-aaral ka at nagbabasa ng mga publikasyon sa JW Library, puwede kang mag-highlight ng mga salita o parirala.

Sundin ang mga tagubiling ito para mag-highlight:

 Mag-highlight

May dalawang paraan para mag-highlight.

I-tap nang medyo matagal ang isang salita. Puwede mong i-adjust ang mga handle depende sa mga salitang gusto mong i-highlight. Sa lilitaw na menu, i-tap ang Highlight button at pumili ng kulay na gusto mo.

Para mag-highlight ng isang salita o parirala nang minsanan, i-tap nang medyo matagal, saka i-drag. Pagkatapos, may lilitaw na menu. Puwede mo itong gamitin para pumili ng kulay o mag-delete ng highlight.

 Magbago ng Highlight

Para palitan ang kulay, i-tap ang naka-highlight na text at pumili ng bagong kulay. Para burahin ang highlight, i-tap ang naka-highlight na text at i-tap ang Delete button.

Ang mga feature na ito ay lumabas noong Nobyembre 2015 sa JW Library 1.6, na compatible sa iOS 7.0 o mas bago pa. Kung hindi mo makita ang mga feature na ito, sundin ang mga tagubilin sa artikulong “Gamitin ang JW Library—iOS,” sa ilalim ng Laging Mag-update.