Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

JW LIBRARY

Paggamit ng History​—iOS

Paggamit ng History​—iOS

Naka-save sa JW Library ang mga artikulo at kabanata ng Bibliya na binabasa mo. Malaking tulong ito kapag gusto mong balikan ang isang tekstong binasa mo.

Sundin ang sumusunod na tagubilin para gamitin ang feature na History:

 Balikan ang History

I-tap at i-hold ang Bible tab para makita ang listahan ng mga pinakahuling teksto na binasa mo. I-tap ang teksto na gusto mong balikan.

I-tap at i-hold ang Publications tab para makita ang listahan ng mga pinakahuling artikulo na binasa mo. I-tap ang artikulong gusto mong balikan.

 Burahin ang Nasa History

I-tap at i-hold ang Bible o Publications tab para makita ang listahan ng mga pinakahuling teksto o artikulo na binasa mo. I-tap ang Clear para burahin ang laman ng listahan.

Ang mga feature na ito ay lumabas noong Mayo 2014 sa JW Library 1.2, na compatible sa iOS 6.0 o mas bago pa. Kung hindi mo makita ang mga feature na ito, sundin ang mga tagubilin sa artikulong “Gamitin ang JW Library—iOS,” sa ilalim ng Laging Mag-update.