Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

JW LIBRARY

Paghahanap sa Bibliya o Publikasyon​—iOS

Paghahanap sa Bibliya o Publikasyon​—iOS

Sa search feature ng JW Library, puwede kang maghanap ng salita o parirala sa isang Bibliya o publikasyon.

Sundin ang sumusunod na tagubilin para maghanap:

 Maghanap sa Bibliya

Puwede kang maghanap ng salita o parirala sa Bibliya na binabasa mo.

Habang nakabukas ang Bibliya, i-tap ang Search button; saka i-type ang salita na gusto mong hanapin. Habang nagta-type ka, may lilitaw na mga mungkahing keywords. I-tap ang isang mungkahing salita o parirala, o i-tap ang Search button sa keyboard para makita ang lahat ng resulta.

Sa Top Verses, lilitaw ang mga talatang madalas gamitin at tugma sa hinahanap mo. Sa All Verses naman, lilitaw ang lahat ng resulta ayon sa pagkakasunod-sunod ng aklat ng Bibliya. Sa Articles, lilitaw ang mga artikulo na nasa introduksiyon at mga apendise na tugma sa hinahanap mo.

Kung nag-type ka ng dalawa o higit pang salita, i-tap ang kahong Match Exact Phrase para lumitaw ang eksaktong pananalitang hinahanap mo.

 Maghanap sa Publikasyon

Puwede kang maghanap ng salita o parirala sa publikasyong binabasa mo.

Habang nakabukas ang publikasyon, i-tap ang Search button; saka i-type ang salitang hinahanap mo. Habang nagta-type ka, may lilitaw na mga mungkahing keywords. I-tap ang isang mungkahing salita o parirala, o i-tap ang Search button sa keyboard para makita ang mga resulta.

Kung nag-type ka ng dalawa o higit pang salita, i-tap ang kahong Match Exact Phrase para lumitaw ang eksaktong pananalitang hinahanap mo.

 Maghanap ng Paksa

Kung may naka-download kang Kaunawaan sa Kasulatan, puwede kang maghanap ng mga paksa nito. Ang feature na ito ay available kapag nagbabasa ka ng Bibliya o anumang publikasyong nasa app.

I-tap ang Search button, saka i-type ang paksang hinahanap mo. Habang nagta-type ka, lilitaw sa listahan ng mga mungkahing keywords ang mga paksa mula sa Kaunawaan sa Kasulatan. I-tap ang isang paksa para mabuksan ang artikulo.

Ang mga feature na ito ay lumabas noong Oktubre 2014 sa JW Library 1.3.4, na compatible sa iOS 6.0 o mas bago pa. Kung hindi mo makita ang mga feature na ito, sundin ang mga tagubilin sa artikulong “Gamitin ang JW Library—iOS,” sa ilalim ng Laging Mag-update.