Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

JW LIBRARY

Paggamit ng Playlist

Paggamit ng Playlist

Sa Personal Study tab, makakagawa ka ng playlist ng mga video, audio program, at picture. Halimbawa, puwede kang:

  • Gumawa ng playlist ng paborito mong teokratikong mga kanta

  • Mag-collect ng mga video at picture na gagamitin mo sa ministeryo

  • Maghanda ng mga picture para sa pahayag mo at i-share ang playlist sa mga brother sa audio/video

 Gumawa at Dagdagan ang Laman ng Playlist

 I-adjust ang Playlist

 I-trim ang Isang Item sa Playlist

 I-share ang Playlist

  Mga Keyboard Shortcut

Gumawa at Dagdagan ang Laman ng Playlist

Gumawa ng Playlist

  1. Magpunta sa Personal Study > Playlists

  2. Pindutin ang Add Playlist button

  3. Piliin ang Create Playlist o Import Playlist

    • Create Playlist: Maglagay ng pangalan ng playlist at piliin ang Create

    • Import Playlist: Gamitin ang file browser ng device mo para hanapin at i-import ang isang playlist

Magdagdag ng Laman sa Playlist

Mga video, music, at iba pang audio program sa app

  1. Pindutin ang More button sa isang item

  2. Piliin ang Add to Playlist

  3. Pumili ng isang playlist o pindutin ang Create Playlist para maidagdag ang item sa isang bagong playlist

Mga picture sa app

  1. Pindutin ang picture

  2. Piliin ang Add to Playlist button

  3. Pumili ng isang playlist o pindutin ang Create Playlist para maidagdag ang picture sa isang bagong playlist

Mula sa ibang source

Puwede kang magdagdag ng kahit anong video, audio, o picture sa isang playlist.

  1. Magpunta sa Playlists page

  2. Magbukas ng isang playlist

  3. Pindutin ang Import File

  4.   Gamitin ang file browser ng device mo para hanapin at i-import ang isang item

I-adjust ang Playlist

Baguhin ang pangalan

I-rename ang playlist:

  • Kapag nasa Playlists page, pindutin ang More button ng isang playlist. Pagkatapos, pindutin ang Rename at ilagay ang bagong pangalan

  • Kapag nasa isang playlist ka, pindutin ang Rename button at ilagay ang bagong pangalan

I-rename ang isang item sa playlist:

  1. Pindutin ang More button ng isang item

  2. Pindutin ang Rename at ilagay ang bagong pangalan

Ayusin ang mga Item sa Playlist

  • I-drag at i-drop ang mga item sa playlist para ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga ito

Baguhin ang Start Action

Kapag binuksan ang isang item sa playlist, magpe-play agad ito. Puwede mong baguhin ang start action sa Settings. Ang mga option ay Play at Pause.

Baguhin ang End Action

Para mabago ang susunod na mangyayari kapag natapos ang isang item sa playlist:

  1. Pindutin ang End Action button

  2. Pumili ng ibang end action

Continue ang naka-default na end action. Puwede mong palitan iyan sa Settings.

End Action

Mangyayari

Continue

Magpe-play ang susunod na item sa playlist

Stop

Babalik sa list ng mga item sa playlist

Freeze

Kapag natapos ang isang item, hihinto ito at hindi magpe-play ang susunod

Repeat

Magpe-play ulit ang item mula sa umpisa

 I-trim ang Isang Item sa Playlist

Makakatulong ang Trim feature para makuha ang isang bahagi ng mahabang video o audio file at mai-play ito.

  1. Pindutin ang More button ng isang item sa playlist. Pagkatapos, pindutin ang Trim

    O, kung nagpe-play ang isang item, pindutin ang Settings button. Pagkatapos, pindutin ang Trim

  2. Gamitin ang handle sa umpisa at dulo ng timeline para makuha ang bahaging gusto mo

    Para eksakto ang makuha mong bahagi, pindutin nang mas matagal ang kahit alin sa mga handle

  3.   Gamitin ang Play button para makita o marinig ang preview ng na-trim mo

I-share ang Playlist

Puwedeng mong i-share ang playlist gamit ang Share feature.

  • Kapag nasa Playlists page, pindutin ang More button sa isang playlist. Pagkatapos, pindutin ang Share at pumili kung saan mo ito gustong i-share

  •  Kapag nasa isang playlist ka, pindutin ang Share button at pumili kung saan mo ito gustong i-share

Mga Keyboard Shortcut

Makakatulong ang mga keyboard shortcut para ma-navigate mo ang mga item sa playlist.

Windows

macOS

Naunang item sa playlist

Page Up

Function-Up Arrow

Susunod na item sa playlist

Page Down

Function-Down Arrow