WATCHTOWER LIBRARY
I-update ang Watchtower Library
Puwede kang pumili kung gusto mong gawing awtomatikong i-update ang Watchtower Library o manwal na i-update ang mga publikasyon gamit ang update package file.
Awtomatikong Pag-a-update ng Watchtower Library
Gawin ang mga sumusunod para ma-check online ang mga update sa publikasyon at artikulo ng Watchtower Library.
Sa Watchtower Library, i-click ang Library, at i-click ang Properties para magbukas ang window na Properties Para sa Library.
Sa window na Properties Para sa Library, i-click ang tab na Update, at i-check ang kahong Awtomatikong i-download ang update.
Kapag may available na update, may lalabas na message para sa pagda-download. I-click ang Oo para ma-download ang update ng Watchtower Library.
Manwal na Pag-a-update ng Watchtower Library
Puwede mong gawing manwal ang pag-a-update ng Watchtower Library gamit ang update package file. Para makuha ang pinakabagong update package, i-export ito sa pinakabagong installer ng Watchtower Library o i-click ang I-download na nasa ibaba ng page na ito.
Pag-e-export ng Update Package
Gawin ang sumusunod para makagawa ng update package file:
Sa Watchtower Library, i-click ang Tulong, pagkatapos, i-click ang Manwal na Update Package at Gumawa ng Update Package.
Pumili kung saan mo ito ise-save sa computer mo, at i-click ang Save. Gagawa ang Watchtower Library ng update package ng isang file na nagtatapos sa “.updatepkg”.
Pagda-download ng Update Package
I-click ang I-download na nasa ibaba para makita kung available sa wika mo ang update sa Watchtower Library. Kung oo, sundan ang message para ma-save ang file sa computer mo.
Paggamit ng Update Package
Gawin ang sumusunod para manwal na ma-update ang Watchtower Library gamit ang update package:
Sa Watchtower Library, i-click ang Tulong, pagkatapos, i-click ang Manwal na Update Package at I-install ang Update.
Kapag nakabukas na ang window na File Explorer, hanapin ang file na nagtatapos sa “.updatepkg”. Piliin ang file at i-click ang Open para ma-update ang Watchtower Library.