WATCHTOWER LIBRARY
Pag-i-install ng Watchtower Library
Sundan ang mga hakbang na ito para mai-download at mai-install ang Watchtower Library:
1. I-click ang button na I-download sa page na ito.
2. Pumili ng wika sa listahan. Pagkatapos, i-click ang Download button ng Watchtower Library .exe file.
3. I-double-click ang na-download na file. Pagkatapos, sundan ang mga hakbang na makikita sa screen para ma-install ang Watchtower Library.
4. Para magkaroon ng laman ang Watchtower Library na na-download mo, sundan ang mga hakbang na ito:
a. Buksan ang Watchtower Library.
b. Magpunta sa tab na Tulong. Pagkatapos, i-click ang Maghanap ng Update para magkaroon ng laman ang Watchtower Library mo.
Puwede mo ring sundan ang mga hakbang sa “I-update ang Watchtower Library” para mai-download at maikarga ang isang update package.