Privacy Policy
IMPORTANTE: KAPAG GINAMIT MO ANG WEBSITE NAMIN AT ANG IBA PANG APP MULA SA WATCHTOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY OF NEW YORK, INC. AT/O NAGBIGAY KA NG PERSONAL NA IMPORMASYON, SUMASANG-AYON KA NA ANG LAHAT NG PERSONAL NA IMPORMASYONG IBINIGAY MO AY PUWEDE NAMING GAMITIN SA PARAAN AT SA LAYUNING NAKASAAD SA SUMUSUNOD NA PRIVACY POLICY AT BILANG PAGSUNOD SA KASALUKUYANG BATAS AT REGULASYON HINGGIL SA PERSONAL NA MGA IMPORMASYON.
General Privacy Policy
Tingnan Din ang
PAGGALANG SA IYONG PRIVACY
Tinitiyak namin na mapoprotektahan at maigagalang ang iyong privacy. Nakasaad sa Policy na ito kung paano gagamitin sa website namin at ng iba pang app mula sa Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc. (“Watchtower”) ang personal na impormasyon na nakuha namin sa iyo o ibinigay mo. May kinukuha kaming ilang impormasyon kapag pumunta ka sa aming website at alam namin kung gaano kahalaga na maingatan ang impormasyong iyon at maipaalám sa iyo kung paano namin ito gagamitin. Puwede kang magbigay sa amin ng data na maituturing na personal na impormasyon. Sa Policy na ito, ang “personal na impormasyon” ay ang iyong pangalan, email address, mailing address, telephone number, o iba pang impormasyon na magagamit para matukoy ka. Kasama sa terminong “website” ang website na ito, pati na ang iba pa naming website, gaya ng apps.pr418.com, ba.pr418.com, stream.pr418.com, at wol.pr418.com.
DATA-CONTROLLER INFORMATION
Ang website na ito at ang iba pang app ay pag-aari ng Watchtower, isang non-profit na korporasyon sa New York na sumusuporta sa gawain ng mga Saksi ni Jehova at sa pag-aaral at pagtuturo nila ng Bibliya. Kung ikaw mismo ang nagpasiyang gumawa ng account, mag-donate, mag-request ng pagdalaw, o gumawa ng iba pang hakbang na kailangan mong magbigay ng personal na impormasyon, sumasang-ayon ka sa Policy na ito, pati na sa paglalagay ng iyong personal na impormasyon sa mga server na nasa United States of America. Sumasang-ayon ka rin na ang mga impormasyong ito ay puwedeng kunin, iproseso, ilipat, at itago ng Watchtower at ng mga organisasyong sumusuporta sa mga Saksi ni Jehova sa iba’t ibang bansa para maproseso ang request mo. Pandaigdig ang relihiyosong organisasyong ito kaya gumagamit ito ng mga korporasyon at grupo sa iba’t ibang bansa. Batay sa mga data-protection law, puwedeng kasama rito ang lokal na mga kongregasyon, tanggapang pansangay, at iba pang organisasyon ng mga Saksi ni Jehova.
Iba-iba ang data controller ng personal na impormasyon mo, depende sa paggamit mo ng website. Halimbawa, kung magdo-donate ka sa isang legal na korporasyon namin sa isang partikular na bansa, ibibigay sa legal na korporasyong iyon ang iyong pangalan at contact information para maproseso ang donasyon mo. Kung magre-request ka naman ng pagdalaw, ibibigay ang iyong pangalan at contact information sa lokal na tanggapang pansangay at kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova para matugunan ang request mo.
Kung may sariling data protection law ang bansang tinitirhan mo, makikita mo ang contact information ng bansang ito sa Data Protection Contacts page.
DATA SECURITY AT CONFIDENTIALITY
Mahalaga sa amin na maingatan at mapanatiling kompidensiyal ang iyong personal na impormasyon. Gumagamit kami ng up-to-date na data storage at security technique para maprotektahan ang iyong personal na impormasyon mula sa di-awtorisadong pag-access, maling paggamit at pagbibigay nito sa iba, di-awtorisadong pagbabago, ilegal na pagbura, o di-sinasadyang pagkawala. Ang lahat ng processor ng personal na impormasyon at anumang third party na katulong namin para maproseso ang iyong personal na impormasyon ay obligadong igalang ang pagiging kompidensiyal nito. Itinatago namin ang iyong personal na impormasyon hangga’t kailangan para sa mga layunin kung bakit ito hiningi at bilang pagsunod sa legal reporting o document retention requirement.
Iniingatan namin ang iyong personal na impormasyon habang ipinapadala ito gamit ang mga encryption protocol gaya ng Transport Layer Security (TLS). Gumagamit kami ng mga computer system na may limited-access protocol, na nasa mga pasilidad na may mahigpit na seguridad. At ang mga pasilidad na ito ay may sinusunod na electronic at procedural security measure para mapanatiling kompidensiyal at ligtas ang mga impormasyong tinatanggap namin. Nagtakda kami ng mahigpit na pamantayan sa seguridad para maiwasan ang di-awtorisadong pag-access sa mga impormasyong ito.
MENOR-DE-EDAD
Kung isa kang menor-de-edad sa bansa kung saan ka gumagamit ng aming website, makapagpapadala ka lang ng personal na impormasyon kung aprobado ito ng iyong (mga) magulang o guardian. Kung isa kang magulang o guardian at pinayagan mo ang isang menor-de-edad na magpadala ng personal na impormasyon sa website na ito, sumasang-ayon ka sa nakasaad sa Policy na ito hinggil sa paggamit ng menor-de-edad sa website.
MGA THIRD PARTY
Kung minsan, ang website na ito o ang iba pang app ay puwedeng may link sa isang third party app o website. Kasama dito ang link papunta sa third party website na nagbibigay ng serbisyo na kailangan namin (halimbawa, kapag nagpi-fill out ng online form). Malalaman mo na nasa website ka ng isang third party dahil mag-iiba ang hitsura ng webpage, pati na ang nasa address bar ng iyong browser. Gayundin, puwede kang makatanggap ng mga email o text message sa pamamagitan ng isang third party batay sa isang request para sa impormasyon na ginawa mo sa website na ito, kasama na ang notification tungkol sa mga activity na gusto mong malaman. Kapag pumili kami ng mga third party, ininspeksiyon namin ang mga privacy at data protection policy nila para matiyak na naaabot nila ang pamantayang sinusunod ng mga policy namin, at iniinspeksiyon pa rin namin ang mga ito sa pana-panahon. Pero ang mga third party na ito ay naglalaan ng mga app at serbisyo na hindi namin kontrolado ang programming, kasunduan sa paggamit, privacy policy, at iba pang kondisyon. Kaya ang paggamit mo ng mga app at serbisyo sa website na ito ay dapat na kaayon ng kasalukuyang kasunduan sa paggamit at mga kondisyon ng third party. Hindi kami binibigyan ng update sa mga iyon kaya pakisuyong basahin muna ang mga kasunduan bago gamitin ang serbisyo ng third party. Kung may katanungan ka sa policy ng mga third party, pakisuyong tingnan ito sa kanilang website.
Ang paggamit mo ng Google Maps sa website na ito ay dapat na kaayon ng kasalukuyang Google Privacy Policy. Ang Google ay isang third party vendor na ang mga app, programming, at Terms of Service ay hindi namin kontrolado. Kaya ang paggamit mo ng Google Maps sa website na ito ay dapat na kaayon ng kasalukuyang Google Maps/Google Earth Additional Terms of Service. Hindi kami binibigyan ng mga update, kaya pakisuyong basahin muna ang mga kasunduan bago gamitin ang Google Maps. Huwag gamitin ang Google Maps sa website na ito kung hindi ka sang-ayon sa kasunduan ng Google.
NOTIFICATION KAPAG MAY PAGBABAGO SA POLICY
Patuloy naming pinapaganda at dinadagdagan ang mga feature ng aming website at ng lahat ng iba pang app namin. Dahil sa mga pagbabagong ito, at sa pagbabago sa batas at pagsulong ng teknolohiya, maiiba ang paraan ng paggamit namin sa mga impormasyon sa pana-panahon. Sakali mang kailanganin naming baguhin ang aming Policy, ipo-post namin ang mga pagbabago sa webpage na ito para updated ka kung anong impormasyon ang kinukuha namin at kung paano namin ito ginagamit.
ACTIVE SCRIPTING O JAVASCRIPT
Ginagamit ang scripting para ma-improve ang performance ng website at ng iba pang app namin. Sa tulong ng teknolohiyang ito, mabilis naming naibibigay sa iyo ang impormasyong kailangan mo. Ang scripting ay hinding-hindi gagamitin ng website o ng iba pang app namin para mag-install ng software sa computer mo o kumuha sa iyo ng impormasyon nang walang pahintulot.
Sa website namin, ang Active Scripting o JavaScript ay dapat i-enable sa browser para gumana ang ilang bahagi ng website. Sa karamihan ng mga browser, puwedeng i-enable o i-disable ang feature na ito para sa espesipikong mga website. Tingnan ang tab na “Help” sa browser para malaman kung paano i-enable ang scripting sa pilíng mga website.