Global Policy sa Paggamit ng Cookies at Katulad na mga Teknolohiya
Para sa mas magandang digital experience, naglalagay kami o kukuha ng ilang data sa cellphone mo, tablet, o computer hard drive gamit ang cookies at mga katulad na teknolohiya. Nakakatulong ang cookies para gumana nang maayos ang website na ito at para makita namin kung paano ginagamit ng user ang website namin. Ginagamit namin ito para ma-improve ang aming website. Hindi namin inaalam kung sino ang bawat indibidwal na pumupunta sa website, maliban na lang kung sila mismo ang magbigay ng kanilang contact information gamit ang mga form o aplikasyon sa website. Sa Policy na ito, malawak ang ibig sabihin ng “cookies” at puwede itong tumukoy sa katulad na mga teknolohiya gaya ng localStorage, web beacons, pixels, at identifiers. Sa tulong ng mga ito nalalaman namin ang ilang impormasyon sa computer mo gaya ng size ng screen mo, oras at petsa kung kailan binisita ang isang page, at ang URL ng ni-load mong page.
Lahat ng data na iniligay o kinuha namin ay hindi namin ibebenta, gagamitin sa marketing, o gagamitin para tandaan ang ibang website na binisita mo. Hindi kami gumagamit ng targeted advertising o marketing cookies.
Iba’t ibang Cookies. May iba’t ibang klase ng cookies na iba-iba ang function, at nakakatulong ang mga ito para mas ma-enjoy mo ang paggamit ng website. Nagagamit namin ang cookies para makita kung nakapunta ka na dati sa website o para matandaan ang mga preference mo nang una kang pumunta rito. Halimbawa, puwede naming ilagay sa cookies ang wikang gusto mo para ito ang awtomatikong maging wika ng website kapag bumalik ka rito.
Nahahati sa tatlong kategorya ang mga cookies na ginagamit sa website na ito:
Strictly Necessary Cookies. Mahalaga ang ilang cookies para gumana ang website namin, makapag-browse ka rito, o magamit ang ilang feature nito. Madalas isine-set lang ito kapag nagre-request ka ng mga serbisyo na gaya ng pagse-set ng mga privacy preference, pagla-log in, o pagfi-fill in ng mga form. Kung wala ang cookies na ito, hindi magiging posible ang ilang ni-request mong serbisyo, gaya ng pagdo-donate online. Ang cookies na ito ay hindi kumukuha ng impormasyon tungkol sa iyo para magamit sa marketing o matandaan kung ano ang pinuntahan mo sa Internet.
Functionality Cookies. Ginagamit ang cookies na ito para matandaan ng website ang mga detalyeng pinili mo (gaya ng username mo, wika, o rehiyon) at para mapaganda ang mga feature ng website. Mas mapapaganda ng cookies na ito ang pagba-browse mo sa website namin, mapapahusay ang paggana ng site, at mako-customize mo pa ang site namin.
Diagnostic at Usage Cookies. Ginagamit ang cookies na ito para makakolekta ng diagnostic at usage data. Kasama rito ang impormasyon kung paano nakikipag-interact sa website na ito ang mga bumibisita rito, gaya ng kung ilang beses na nilang pinuntahan ang website o kung gaano kahaba nila ito karaniwang ginagamit. Ginagamit lang namin ang mga data na ito para mapahusay ang website namin, kasama na rito ang disenyo, performance, at stability ng website.
Karamihan ng cookies namin ay first-party cookies, na galing mismo sa website namin. Ang ilan ay third-party cookies, na galing sa ibang website. Sa listahan ng cookies namin, malinaw naming ipinakita kung alin ang third-party cookies.
Paggamit ng IP Address. Ang IP address ay isang code na puro numero, at ito ang pagkakakilanlan ng device mo sa Internet. Ginagamit namin ang iyong IP address at browser type para makita kung paano mo ginagamit ang website, matukoy ang ilang problema rito, ma-improve ang mga serbisyo na naibibigay namin sa iyo, at maprotektahan ang security ng website.
Ang Desisyon Mo. Puwede mong baguhin ang desisyon mo sa mga cookie kahit kailan. I-click lang ang button ng “Privacy Settings” na nasa ibaba ng page ng bawat website namin (tingnan ang listahan sa ibaba). Hindi kailangan ng pahintulot mo para sa Strictly necessary cookies. Para sa iba pang cookies, hinihingi muna namin ang pahintulot mo bago namin ilagay o kunin ang mga ito sa device mo. Pero tandaan na kapag binago mo ang preference mo, hindi made-delete ang mga dati nang cookies. Kung gusto mong ma-delete ang mga cookies sa website na ito, puwede kang pumunta sa settings ng browser mo. Pero pakisuyong tandaan na kung walang cookies, may mga feature sa website namin na hindi mo magagamit. Iba-iba ang paraan ng pagbura sa cookies. Puwede kang pumunta sa tab na “Help” sa iyong browser para sa detalyadong tagubilin o magpunta sa www.allaboutcookies.org.
Pumili ng website sa listahan sa ibaba para makita mo ang ilang paraan kung paano namin ginagamit ang cookies sa website na iyon.
Tingnan din ang Cookies at Katulad na mga Teknolohiya na Ginagamit ng Ilang Website Namin.